MILG-BARMM Nagsasagawa ng Performance Review and Planning 2024

(Litrato mula sa online digital service provider ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-8 ng Hulyo 2024) — Kasalukuyang nagsasagawa ang Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng Performance Review and Planning na pinangungunahan ni MP Atty. Sha Elijah Dumama-Alba na gaganapin sa Grand Regal Hotel sa Davao City, nitong araw ng lunes ika-8 Hanggang ika-11 ng Hulyo.

Dadalo sa kaganapan ang Regional Head, Service Director, Field at Unit Director, Division Chief, at mga miyembro mula sa Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi), Special Geographic Area Development Authority (SGADA), SGAFO, at kani-kanilang planning links.

Ang nasabing programa ay inaasahan ng mga kalahok ang isang masusing assessment at strategic discussion upang mapahusay ang serbisyo ng MILG sa rehiyon.

Magbibigay ng direktiba at mga pananaw si MP Atty. Sha Elijah B Dumama-Alba upang magabayan ang mga sesyon. Ang mga komprehensibong talakayan at mga sesyon ng pagpa-plano sa loob ng tatlong araw ay inaasahang makabuluhan na mapabuti ang kahusayan at bisa ng mga hakbang sa pamamahala at pag-unlad.

Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at collaborative na pagpa-plano, ang progrmaa ay naglalayong matugunan ang mga pangunahing hamon at gamitin ang mga pagkakataon upang mas mapagsilbihan ang komunidad ng Bangsamoro. (Norhana E. Abdulnasser, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/Bangsamorotoday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM delegates gears up for Palarong Pambansa 2024 
Next post Social Pension para sa Indigenous Senior Citizens ng Tawi-Tawi Masayang tinanggap ng tulong ng MSSD