Bangsamoro Athletes, Handang Magpakitang-Gilas sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City
COTABATO CITY (Ika-8 ng Hulyo, 2024) — Ngayon ay abala ang mga atleta ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kanilang mga ensayo para sa parada at pagdalo sa mga pagpupulong ukol sa mga paghahanda kung saan bukas na, July 9, alas-dos (2 PM) ng hapon ayon kay Bureau Director for Physical Education and Sports Development Yusoph Thong Amino.
Pinasalamatan ni Director Amino ang mga lumahok sa screening sa mga papapeles ng mga atleta kahapon at sinabi nito na wala siyang nakikitang problema sa mga manlalaro at isang bata lamang ang hinihintay ang PSA certificate, ngunit inaasahang makukumpleto ito ngayong araw. Dagdag ni Dr. Amino na nais ng BARMM na mapanatili ang “malinis na record” na dokumentasyon ng mga athleta, katulad ng nagawa noong nakaraang taong pagsabak sa Palaro 2023.
Ang delegasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay binubuo ng 573 na athleta at kabuuang 680 na delegasyon kasama ang mga caterer. Noong nakaraang taon, 650 lamang ang bilang ngunit nadagdagan ito dahil sa may mga dumating pa na mga magulang ng mga atleta upang suportahan ang kanilang mga anak, kabilang dito ang Cotabato City.
Sa individual sports, inaasahan ng BARMM na mangunguna ang kanilang mga pambato sa taekwondo at badminton. Kilala ang rehiyon na mahusay ang mga kabataan sa team sports tulad ng volleyball at basketball, at umaasa sila na makakasungkit ng maraming gold medal sa pagkakataong ito.
Sa parada, ipinagmamalaki ng BARMM ang kanilang mga athleta na nagpapakita ng disiplina at pananampalataya.
Sinabi ni Dr. Amino na kahit pagod, kitang-kita ang kanilang dedikasyon at pagkakaisa sa bawat pagsasanay at pakikitungo sa mga opisyal. Ang kanilang mga atleta ay binubuo ng Bangsamorong Muslim, IPs, at Kristiyano, na ipapakita ang kanilang sports attire sa parada bukas.
“Na observe natin sa ating mga players na kahit sila ay pagod na pagod nakikita parin natin na mini-maintain parin ang kanilang relationship sa ating Panginoon. Nakikita din natin sa kanila yong unity sa kanilang practice at sa kanilang pakikitungo sa mga officials,” ani ni Dr. Amino
Pagkatapos ng parada sa Cebu City Sports Center, ay susundan ito ng magarbong opening ceremony na magsisimula ng alas-singko ng hapon kung saan dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.. Inaasahan na ito ay magiging isang napakagandang pagsisimula ng Palarong Pambansa 2024. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)