MAFAR-PRDP Namahagi ng Seaweed Production Equipment sa Tawi-Tawi
COTABATO CITY (Ika-6 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Project (MAFAR-PRDP) ay namahagi ng seaweeds farming input at equipment sa tatlong kooperatiba ng Tandubas Tawi-Tawi.
Ang tatlong kooperatibang tumanggap ng mga kagamitang pang-seaweed farming tulad ng propagules, motorized bangca, floaters, goggles, gloves, stakes, nylon, bolos, at knives ay ang Tongbangkaw Seaweeds Farmers and Fisherfolks Producer Coop, Parhimpunan Karandahan Kepeng Producer Coop, at Magdaraing Ma Barangay Kepeng Producer Coop.
Ang nasabing tulong ay isinagawa nitong nitong ika-26 at ika-27 ng Hunyo na pinondohan ng Second Additional Financing with the European Union (AF2-EU) co-financing grant, ng first tranche of support sa ilalim ng Seaweeds Production and Marketing Enterprise Support of the Investment for the Rural Enterprise for Agriculture and Fisheries Productivity (I-REAP) component.
Ang suportang ito ay naglalayong makapagbigay ng mga kagamitan upang palakasin ang productivity at bigyang kakayahan ang mga lokal na mangingisda na kumita at mapanatili ang kabuhayan sa komunidad at palawakin ang kanilang operasyon sa pagsasaka ng seaweeds. (Sopia A. Angko, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)