BARMM Government Nakiisa sa Pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month
COTABATO CITY (Ika-5 ng Hulyo, 2024) — Nakiisa ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month(NDRM), na ginanap noong Huwebes ika-4 ng Hulyo.
Sa pagdidriwang ng NDRM, ipinakita ng BARMM ang suporta sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga tao ng pagbibigay kaalaman sa kahalagahan ng pagtatanim at pagpapalaki ng mga puno.
Ayon kay Senior Development Officer Mauricio Civiles ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), “We are giving emphasis now on tree growing with [the] partnership with Ministry of Environment, Natural Resources and Energy, Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform and especially the local government units to mitigate the climate change.”
Samantala, hinihikayat nito ang mga tao para makapag handa sa mga disaster na maaaring mangyari. (Badria L. Mama, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)