DSWD Namahagi ng Food Pack sa 34 barangay ng DOS, MDN
COTABATO CITY (Ika-5 ng Hulyo, 2024) — Tumanggap ng Limang Libong (5,000) food pack ang Tatlumput-apat (34) na barangay sa Bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte na ginanap sa Municipal Gymnasium nitong araw ng Biyernes.
Ang mga residente na biktima ng kalamidad tulad ng El-Niño at pagbaha ay nakatanggap ng food pack na handog ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Region 12 at LGU ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.
Unang batch ng benepisyaryo na tumanggap ng ayuda ay mula sa Barangay Dados, Kakar, Sapalan, Bonged, Ambolodto, Sibuto, Kinebeka, Nekitan at Benulen, sa susunod na araw na makakatanggap ayon pa sa organizer ng Food pack ay mula sa Barangay Tapian, Kusiong, Badak, Linek, Mompong, Dinaig Proper, Semba, Tenonggos, Bagoenged, Poblacion Dalican, Bugawas, Makir, Kurintem, Sifaran, Tanuel, Tambak, Dulangan, Bitu, Margues, Baka, Taviran, Labungan, Awang, Tamontaka at Capiton.
Samantala, pinangunahan ni Municipal Administration Israel Sinsuat at MDRRMO Monesa Ayao Sale at Regional Director Loreto Cabaya Jr. ang pamamahagi ng Food pack sa 34 barangay sa inisyatibo ni Mayor ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte Datu Lester Sinsuat at Vice Mayor Sajid Sinsuat Alhadj kasama ang Tiyakap DLS Foundation President Bai Ainee Sinsuat kasama ang DSWD at LGU ng DOS. (Fatima G. Guiatel MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)