MSSD nagpaabot ng Educational Assistance sa Tawi-Tawi at Cash Assistance sa Magsasakang Apektado ng El Niño sa Lanao
COTABATO City (Ika-3 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ay nagbigay ng educational assistance sa munisipalidad ng South Ubian at Sitangkai, Tawi-Tawi sa pamamagitan ng Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan (ABaKa) program ng MSSD noong ika-29 at ika-30 ng Hunyo.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng PhP2,000 bilang suporta sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral. Ang 31 na benepisyaryo ay mula sa South Ubian, at ang 23 naman ay mula sa Sitangkai.
Ang ABaKa Program, ay isang inisyatibo ng MSSD na kung saan nagbibigay ng tulong pang-edukasyon sa mga mag-aaral at sa kanilang mga pinansiyal na pangangailangan.
Samantala, ang MSSD ay namahagi rin ng tulong sa mga magsasakang apektado ng El Ñino sa pamamagitan ng Programang Multipuporse Cash Assistance at tulong narin ng Lanao Del Sur Provincial Office sa bayan ng Masiu nitong ika-24 ng Hunyo.
Ang kabuuang bilang ng mga magsasakang nakatanggap ng tulong pinansyal ay nasa 110 mula sa tulong ng MPCA, ang bawat isa sa kanila ay naka tanggap ng tig PhP5,800 na makakatulong sa kanilang muling pagbangon at recovery intervention implementation sa ilalim ng Disaster Response and Management Division.
Layunin ng programang ito na makatulong sa kanilang emergency funds para sa mga “vulnerable community” at mabawasan ang panganib at epekto ng El Niño sa mga residente, ang mga epekto bago pa man dumating ang mga potensyal na sakuna, ay matugunan ang mga pangangailangan sa panahon ng pangangailangan, at suportahan sa pag-bangon upang makaraos sa kahirapan.
Ang mga nasabing magsasaka na apektado ng El Ñino ay mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries at Agrarian Reporm (MAFAR) at na-validate sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Masiu sa pamamagitan ng mga field visit ng mga social worker ng MSSD. (Rahima K. Faisal, Norhana E. Abdulnasser, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)