MP Hashim, Dumalo sa Ribbon Cutting Ceremony ng Ustadz Salamat Hashim Hall sa Cotabato City People’s Palace

(Screenshot ng livestream program ng Grand Opening of Ustadz Salamat Hashim Hall)

COTABATO CITY (Ika-3 ng Hulyo, 2024) – Dinaluhan ng anak ni late Moro Islamic Liberation Front (MILF) Founding Chairman, na si Hon. MP Abdullah B. Hashim ang imbitasyon ni Cotabato City Mayor Mohamad Ali “Bruce” Matabalao sa ginanap na Ribbon Cutting Ceremony para sa opisyal na pagbubukas ng Ustadz Hashim Salamat Hall na ginanap sa Cotabato City People’s Palace nitong Martes, ika-2 ng Hulyo.

Sa nasabing seremonya, pinangunahan ni Mayor Bruce Matabalao at MP Abdullah Hashim kasama si Bangsamoro Youth Commission (BYC) Commissioner Nas Dunding kung saan binigyang importansya ang anak ni late MILF founding Chairman bilang isang mahalagang bisita ng alkalde.

Ayon kay Mayor Bruce, napili nya itong ipangalan kay late MILF Chairman, Ustadz Hashim Salamat dahil nais nyang mabigyan ng tribute ang mga kontribusyon at sakripisyo nito sa mga narating ng Bangsamoro ngayon.

“Kailangan din kasi na makapagbigay tayo ng tribute, something na maaalala ng mga tao yung naging contribution ng isang importanteng tao, kagaya ni Chairman Salamat Hashim Allahu yarhamo na kung hindi dahil sa kanya, hindi naman natin mararating kung saan tayo ngayon,” ayon kay Mayor Bruce.

Sa Ustadz Salamat Hashim Hall ay maaaring makita ang mga bagay na nagbibigay ng tribute kay late MILF founding Chairman, ito narin ang magsisilbing official reception hall ng city Local Government Units (LGUs).

Ikinatuwa naman ito ni MP Hashim dahil naging instrumento ulit ang pangalan ng kanyang ama para madagdagan ang kaalaman ng mga tao. “We are very honored, in behalf of my family we are happy na naging instrument again yung name ng aking father, upang madagdagan ang knowledge ng mga tao about sa history ng BARMM at ng rebolusyon at yung mga sacrifice nila,” wika ni MP Hashim.

Dagdag pa nito, kahit dito man lang sa Halls of People’s Palace ay mabigyan ng paalala ang mga tao tungkol sa history ng Bangsamoro dahil maraming bagay ang maaaring ilagay dito na magsisilbing alaala sa nakaraan tulad ng frame with history at iba pa. (Norhainie S. Saliao, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MBHTE, Dinepensahan ang F.Y. 2025 PhP40.7 Billion Proposed Budget
Next post Bangsamoro Social Protection Plan 2024-2028  isinagawa ng MSSD-BARMM