MBHTE, Dinepensahan ang F.Y. 2025 PhP40.7 Billion Proposed Budget

(Litrato mula sa MBHTE-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-3 ng Hulyo, 2024) — Ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ay dinepensahan ang kanilang inilatag  na PhP40.7 bilyong badyet para sa Fiscal Year 2025. Ang badyet na ito ay naglalaman ng mga plano at proyekto na layuning pagbutihin ang kalidad ng edukasyon sa rehiyon. Ito ay ginanap sa Ministry of Finance and Budget and Management (MFBM) Conference Hall, nitong araw ng Martes, ika-2 ng Hulyo.

Ang nasabing badyet ay inaasahang susuporta sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng MBHTE sa taong 2025. Kasama rito ang iba’t ibang inisyatiba na tutugon sa mga pangangailangan ng formal at informal na edukasyon sa Bangsamoro. Layunin din ng mga proyektong ito na maghatid ng mas mahusay at komprehensibong sistema ng edukasyon para sa mga mag-aaral ng Bangsamoro Autonomous Region in MUslim Mindanao.

Ipinakita ng MBHTE ang kanilang mga nagawa sa nakaraang taon sa taunang pagpupulong ng Directives, Accomplishments, and Performance Assessment Tracking (DAPAT) para sa FY 2023 na pinuri naman ito sa kanilang mga pisikal at pinansyal na tagumpay na nagsilbing batayan sa kanilang kahilingan para sa mas malaking pondo sa susunod na taon.

Ayon sa Bangsamoro Education Code, ang MBHTE ay may pangunahing responsibilidad sa pagbabalangkas, pagpaplano, pagpapatupad, at koordinasyon ng mga polisiya, plano, programa, at proyekto sa edukasyon. Kasama rin dito ang pangangasiwa sa lahat ng pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon, at pagtataguyod ng isang edukasyon na akma sa mga pangangailangan at adhikain ng Bangsamoro. (Refaida M. Diro, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD nagpaabot ng Educational Assistance sa Tawi-Tawi at Cash Assistance sa Magsasakang Apektado ng El Niño sa Lanao
Next post MP Hashim, Dumalo sa Ribbon Cutting Ceremony ng Ustadz Salamat Hashim Hall sa Cotabato City People’s Palace