UBJP-DOS Chapter nagsagawa ng Kanduli, Panunumpa ng Bagong Miyembro na higit 5K

COTABATO CITY (Ika-2 ng Hulyo, 2024) — Bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan, ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Datu Odin Sinsuat (DOS) Chapter ay nagsagawa ng Municipal Kanduli at dinaluhan ito ng 5,623 miyembero ng partido mula sa 32 barangay ng bayan bilang pagpapakita ng matibay na pag suporta sa partido na ginanap sa Barangay Badak DOS, Maguindanao del Norte nitong araw ng Linggo, ika-30 ng Hunyo.

Ang pagtitipon na ito ay pinangunahan ng ilang kilalang personalidad sa lalawigan, kabilang sina Maguindanao Del Norte Board Member Datu Bobsteel Sinsuat, Municipal Chief Executive UBJP-DOS Abdulmain Abas Sr., Prof. Duma Mascod, na kumatawan kay UBJP Vice President for Central Mindanao Mohagher Iqbal, Nuroddin Abdulrahman, UBJP Cluster Head, MDN & KPC Provincial Chair, at Women Committee ng UBJP-MDN na si Rufina Sanday.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni MDN Board Member Datu Bobsteel ang kanyang pangakong ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan, lalo na ng mga ordinaryong sibilyan. Dagdag pa nito, ang pangunahing tungkulin ng isang lider ay tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng kanyang nasasakupan.

Kasabay ng pagtitipon ay ang panunumpa ng mahigit 5,000 na bagong miyembro ng UBJP, na kinabibilangan ng mga political at security leaders mula sa iba’t ibang barangay ng Datu Odin Sinsuat. Ipinakita ng mga bagong miyembro ang kanilang dedikasyon at pagnanais na makiisa sa adbokasiya ng partido. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post OOBC, Host sa Flag Ceremony ng Bangsamoro Government
Next post PWDs binigyan g tulong ng MSSD at mga Partner