MSU-Maguindanao OJT ABIS Students Lumahok sa Community Extension Services Program ng BMN sa Lanao del Sur
COTABATO CITY (Ika-2 ng Hulyo 2024) — Nakilahok ang 10 mula sa 15 na kasalukuyang MSU-Maguindanao ABIS Students On-the-Job-Trainees (OJT) ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) sa isinasagawang Community Extension Services Program ng BMN na ginanap sa Markadz Zakiyya Abdullah Assabah Ground stage, Brgy. Matanog, Balabagan, Lanao Del sur nitong Lunes ika-1 ng Hulyo.
Mainit na sinalubong ng mga opisyales ng Barangay at Madrasah kasama ang mga Asatids ang Team BMN at ang 10 trainees na nakilahok sa pagbuo ng vision, mission , goals at pagpupulong ng Madrasah at BMN bilang documenter.
Sa pangunguna ni BMN Executive Director Faydiyah S. Akmad at BMN Chairman Tu A. Alfonso ay hinati ang grupo ng mga intern students sa dalawa at binigyan ng kani-kanilang trabaho sa nasabing programa. Ang isang grupo ay inatasan na maglikom ng impormasyon at datos sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga tao na dumalo sa nasabing pagpupulong kasama ang mga bata na nag-aaral sa Madrasah at mga magulang na dumalo.
Samantala, naatasan naman ang ikalawang grupo bilang taga kuha ng litrato at taga sulat ng mga impormasyon at datos base sa mga napag-usapan sa pakikipag pulong ng BMN at mga opisyales ng Madrasah.
Lubos ang pasasamat ng mga intern students dahil ang mga lecture na itinuro sa kanila sa loob ng kanilang pananatili sa opisina ng BMN ay naisabuhay nila at hindi anya nila inaasahan na isasama sila sa mga ganitong programa.
Ayon kay Arna Kayog, OJT student ng BMN, at isa sa nakasama sa sampong trainees na nakilahok, “Masaya ako kasi naka explore ako ulit at dahil sa mga fieldwork namin marami akong natutunan in terms of information about community based extension work.” (Norhainie S. Saliao MSU-Maguindanao OJT ABIS Student BMN/Bangsamoro Today)