BMN Nagsagawa ng Community Base Extention Work sa Traditional Madrasa ng Balabagan, LDS

(Litrato ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-2 ng Hulyo, 2024) — Ang Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc. ay tumulong sa Markadz Zakiyya Abdullah Assabah kung papaano magpa-rehistro sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBTHE) Madaris Education na ginanap sa Brgy. Matanog, Balabagan, del Norte nitong araw ng lunes ika-1 ng Hulyo.

Pinangunahan ni Tu Alid Alfonso, Chairman ng BMN ang pagbuo ng Vission, Mission, Goals at Programs ng nasabing Madrasah at pag-gawa ng Structure kabilang ang Board of Directors, Committee ng Madrasah.

Kasama ang BMN Executive Director Faydiyah Samanodi Akmad na nagpaliwanag kung ano ang mga requirements na kinakailangang ipasa at kung ano ang magiging tungkulin at tulong na maibibigay ng BMN base sa kaniyang kapasidad.

Ayon sa kanya, “Kung ano ang expertise na meron kami doon kami makakatulong” kabilang na ang pag gather ng data sa inyo upang makatulong sa pagpa rehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Samantala, malaking pasasalamat naman ng Presidente ng Madrasah na si Ali Dinang sa BMN bilang unang organization na nagbigay ng tulong sa pag-rehistro at pagpapatakbo sa kanilang Madrasah.

Naging malaking tulong naman ang aktibidad na ito sa Mudir, Presidente, mga Ustadh, Ustadha at sa lahat ng dumalo para sa maayos na pamamahala ng Madrasah.

Inaasahan na kapag makompleto na ang mga kinakailangang dokumento kasama ang SEC registration certificate ay ibibigay na ang buong dokumento sa Tanggapan ng Madaris Education para sa pagkuha ng Permit to Operate (PTO) upang ito ay magiging Public Madrasah. (Sopia A. Angko, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Regional Manpower Development Center at Police Provincial Office ng Maguindanao Del Norte, Lumagda ng MOA
Next post MSSD nagpaabot ng Educational Assistance sa Tawi-Tawi at Cash Assistance sa Magsasakang Apektado ng El Niño sa Lanao