1st Batch ng Bangsamoro Pilgrims, Mainit na Tinanggap ng Maguindanao del Norte sa “Oplan Biyaheng Ayos, Hajj 2024”
COTABATO CITY (Ika-29 ng Hunyo, 2024) —Ang Lalawigan ng Maguindanao del Norte, sa ilalim ng mga direktiba ni Gobernador Abdulraof “Gob Sam” A. Macacua, ay lumahok sa “Oplan Biyaheng Ayos, Hajj 2024 Salubong Activity” para sa unang batch ng mga Bangsamoro pilgrim noong ika-27 ng Hunyo, sa Cotabato (Awang) Airport sa Datu Odin Sinsuat.
Nagtipon-tipon ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ministeryo, mga yunit ng lokal na pamahalaan, at mga organisasyon, kasama ang mga pamilya at kaibigan, upang salubungin ang mga pilgrim.
Ang mga pilgrim at kanilang mga pamilya ay binigyan ng mga souvenir at meryenda at binigyan ng medikal na tulong at mga photobooth ng pamahalaang panlalawigan.
Ang “Oplan Biyaheng Ayos, Hajj 2024 Salubong Activity” ay isang taunang aktibidad na inisyatibo ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC) – Bangsamoro Airport Authority (BAA) upang magbigay ng mahalagang suporta para sa mga Bangsamoro pilgrim. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)