IP Parents sa BARMM lumahok sa Gender Empowerment at Financial Literacy ng MSSD

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-28 ng Hunyo, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) katuwang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps) ay nag organisa ng tatlong araw na pagsasanay sa gender empowerment at financial literacy para sa mga Indigenous People (IP) parent leaders mula sa Georaphically Isolated and Disadvantage Areas (GIDA), nitong Hunyo 24 at 26 2024.

Ang 65 na kalahok ay mula sa iba’t ibang munisipalidad tulad ng Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur. Sa unang araw ng kanilang pagsasanay, nalaman ng mga benepisyaryo ang kahalagahan ng Cultural Sensitivity, at ang mga mahahalagang punto ng Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (IPRA) na opisyal na itinalaga bilang Republic Act 8371, ang IPRA Law na kinikilala at itinataguyod ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural at mga katutubo sa Pilipinas.

Sa ikalawang araw ng pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang tungkol sa mga tungkul sa gender sensitivity at financial literacy, kabilang ang financial management, pagbabadyet, pangunahing pamumuhunan, at pag-iwas sa pandaraya at scam at sa huling araw naman ng kanilang pagsasanay ay ipinagmalaki ng mga kalahok ang kanilang kasuotang pangkultura at ibinahagi ang kanilang mga pananaw at natutunan mula sa pagsasanay.

Nagpasalamat si Hilda P. Maninggo, isang parent leader mula sa Municipality ng Upi, “Many thanks to 4P’s BARMM for these kinds of training, as they greatly help in improving our knowledge and livelihoods,” dagdag pa nito, “As a parent leader, this training is important so that when we return to our respective areas, we can share what we have learned with our fellow beneficiaries.”

(Maraming salamat sa 4P’s BARMM sa ganitong uri ng pagsasanay, dahil malaki ang tulong nito sa pagpapabuti ng aming kaalaman at kabuhayan, bilang isang lider ng mga magulang, mahalaga ang pagsasanay na ito upang sa aming pagbabalik sa aming mga lugar, maibahagi namin ang natutunan namin sa aming mga kapwa benepisyaryo.) (Badria L. Mama, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 24 Former Young Combatants sa BaSulTa dumaan sa Mandatory Training on Cooperative Governance and Management ng BYC
Next post MBHTE Basic Education Director General Salik, Jr. Represents BARMM at Youth Impact ’10 Years of Learning’ Partners Summit in Botswana