24 Former Young Combatants sa BaSulTa dumaan sa Mandatory Training on Cooperative Governance and Management ng BYC

(Litrato mula sa BYC-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-28 ng Hunyo, 2024) — Sa pagsulong ng kapayapaan at pagbabago sa Bangsamoro, nagbigay ang Bangsamoro Youth Commission (BYC) ng Mandatory Training on Cooperative Governance and Management para sa 24 Former Young Combatants mula sa lalawigan ng Basilan, Sulu, at Tawi-tawi (BaSulTa) na pinangunahan ng Bangsamoro Youth Commission (BYC) at Cooperative and Social Enterprises Authority (CSEA) ng BARMM noong ika-24 hanggang ika-28 ng Hunyo.

Sa loob ng apat na araw ng pagsasanay, ipinakilala sa mga dating combatants ang mga proyektong positibong pangkapayapaan, kabilang ang “3 Peace”, isang inisyatiba ng BYC at Special Development Fund na layong pasiglahin ang kanilang makabuluhang reintegrasyon sa lipunan.

Ayon BYC sa kanilang FB post, ang nasabing training ay naglalayong magbigay ng mahalagang kasanayan sa mga dating mandirigma upang matulungan silang maunawaan ang mga prinsipyo ng kooperatiba, pamamahala, at operasyon. Layunin ng programa na palakasin ang kanilang kakayahan at magtanim ng mga halaga na maglilinang sa kapayapaan at kaunlaran ng Bangsamoro.

Ang mga hakbang na tulad nito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng BYC na magsilbing gabay at suporta sa mga dating mandirigma, upang sila ay maging produktibong bahagi ng lipunan at makatulong sa pagtataguyod ng kapayapaan sa rehiyon ng BaSulTa. (Normina M. Kendayo, MSU-Maguindanao OJT ABIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Pagpapalakas ng Bangsamoro Communities sa Labas ng BARMM, Tinalakay sa Programang “Bangsamoro Ka, Saan Ka Man”
Next post IP Parents sa BARMM lumahok sa Gender Empowerment at Financial Literacy ng MSSD