MSSD-BARMM Namahagi ng Tulong Pinansyal sa CDWs SNP, Para-Social Workers at Kupkop Program, Senior Citizen sa LDS

Masayang tinanggap ng Senior Citizen ang kanyang pension mula sa Bangsamoro government. (Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Hunyo, 2024) — Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay namahagi ng tulong pinansyal sa Child Development Workers (CDWs), Supervised Neighborhood Play (SNP) workers, Para-Social workers, at mga benepisyaryo ng Kupkop (orphan) Program sa Municipal Hall ng Barangay Bubong, Bacolod-Kalawi Lanao del Sur, noong ika- 20 ng Hunyo, 2024.

Tumanggap ang dalawamput-anim (26) na CDWs at SNP workers ng PhP24,000 bawat isa at ang Para-Social sa ilalim ng Lingkod Pamayanan Program para sa Kapayapaan at dalawamput- apat (24) na workers ang tumanggap ng PhP16,000 bawat isa kung saan saklaw ang kanilang apat (4) na buwan ng stipend mula Marso hanggang Hunyo 2024, at ang dalawang (2) workers naman nito ay tumanggap ng PhP12,000 bawat isa, saklaw naman nito ang kanilang (3) buwan.

Samantala, para sa Kupkop (Orphan) Program, labing-lima (15) na mga batang ulila ang tumanggap ng kanilang PhP15,000 subsidy bawat isa para sa ikalawang quarter, kung saan layunin ng programa na ito na mapaangat ang buhay ng mga batang ulila sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal na suporta.

Samantala, abot 1,225 na Senior Citizens sa Bacolod-Kalawi ang naka tanggap ng pension. PhP6,000 na cash na subsidiya ng Msubsidies MSSD sa loob ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SocPen) program nitong ika-18-19 ng Hunyo, na ginawa sa Lakeside Gymnasium, Barangay Poblacion II, Bacolod-Kalawi.

Ang payout ay kasama ang PhP1,000-buwanang subsidiya na anim (6) na buwan na dating PhP500 bawat buwan bagamat ngayon ay nadagdagan na dahil sa Republic Act 11916, na kilala bilang “An Act Increasing the Social Pension of Senior Citizens.”

Naihatid din ang mga bedridden beneficiaries sa kanilang mga tahanan, na pinangasiwaan ng MSSD Bacolod-Kalawi personnel sa pamumuno ni Lanao del Sur B Provincial Social Welfare Officer Linang M. Pangkat. 

Ang SocPen Program ay isang programang panlipunang proteksyon na pinondohan ng bansa na ipinatupad ng MSSD sa BARMM. Layunin nitong mabigyan ng buwanang stipend ang mga senior citizen na kabilang sa mga pinaka-disadvantaged at vulnerable na sektor upang masuportahan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, tulad ng pagkain at mga gamot. (Risna B. Abdulkarim, MSU-Maguindanao OJT BSIS Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Parliament Tinalakay ang Panukalang BTA Bill No. 39 o Pagtatag ng Bangsamoro Agriculture and Fisheries Training Institute
Next post Bagong Teaching at Non-Teaching Personnel ng MBHTE sa Cotabato City, Nanumpa