Pagdagsa ng “Supporters” inaasahan sa UBJP Central Mindanao General Assembly, Sabado sa MSU-Maguindanao grounds
COTABATO CITY (Ika-21 ng Hunyo, 2024) — Inaasahang dagdagsa ang miyembro at supporters ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa gagawing General Assembly ng Central Mindanao na pinangungunahan ng political party Vice President Mohagher Iqbal
bukas, araw ng Sabado ika-22 ng Hunyo na gaganapin sa MSU-Maguindanao ground at gymnasium, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Sa monitoring ng BMN/BangsamoroToday ay abot o higit pa sa 100,000 ang lalahok na isa sa malaking bilang ng Bangsamoro people na lalahok sa pagtitipon ng isang political party sa region ng Bangsamoro ang maitatatala sa kasaysayan.
Ang nasabing pagtitipon ay naglalayong pagsama-samahin ang mga miyembro ng partido upang palakasin ang kanilang pagkakaisa upang manalo sa Bangsamoro
parliamentary elections sa 2025, at maging dominante sa Bangsamoro Parliament upang maipagpatuloy ang inumoisahamg programa at proyekto para sa ikabubuti ng Bangsamoro.
Ang UBJP ay kilala sa kanilang matatag na prinsipyo at adhikain para sa kapayapaan at pag-unlad ng rehiyon. Ito ay ang political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na syang nakipaglaban upang makuha ng Bangsamoro ang hustiya, kapayapaan, at kaunlaran sa Bangsamoro at makapag-ambag sa adhikaing “national unity, justice, reconciliation and dignified peace.”
Sa pagtitipong ito, ay inaasahan din ang “mass oath taking” na pngungunahan ni party President Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, handa na rin ang mga security forces upang pangalagaan ang seguridad ng lahat mga dadalo, kabilang ang hanay ng Media na handa na rin sa gagawing Press Conference ng UBJP. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)