“Mayor Para sa Lahat” Matabalao Ibinida ang mga Tagumpay sa Ikalawang State of the City Address

Mayor Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao 2nd State of the City Address, June 18, 2024. (Litrato mula sa Cotabato City Government)

COTABATO CITY (Ika-20 ng Hunyo, 2024) — Sa kanyang ikalawang State of the City Address (SOCA) na ginanap sa People’s Palace Lobby nitong Miyerkules Ika-18 ng Hunyo, pinasalamatan ni Mayor Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao ang kanyang mga kapwa manggagawa sa City Government of Cotabato mula sa parehong Legislative at Executive department. Aniya, sa kabila ng mga pagsubok, malaking tagumpay ang kanilang nakamit dahil sa kanilang sama-samang pagsisikap.

“Ito na po ang aking ikalawang SOCA. Iisa na lang po ang natitira para sa aking unang termino halos dalawang taon na ang lumipas mula nang ako’y hikayatin ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) na tumakbo bilang mayor ng Cotabato City,” ani Mayor Matabalao.

Binigyang-diin ni Mayor Bruce Matabalao na ang mga problema ng lungsod ay hindi malulutas sa isang iglap o sa loob lamang ng isang tao o kahit tatlong taon pa. Ngunit sa patuloy na pagtatrabaho nang mahusay at tapat, ang pangakong tulong mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay natupad.

Inihayag ni Mayor Matababalao na sa loob ng dalawang taon, maraming nagawa at narating ang pamahalaan ng lungsod. Kabilang dito ang mga pagbabago, mula sa paglilinis ng mga kalye hanggang sa maliwanag at masayang Cotabateños . Kasama dito ang pagtanggap ng suporta mula sa 20 out of 37 barangay ng Cotabato City, na ayon sa kanya, ay patunay at patuloy na pagsusumikap at sakripisyo ng bawat isa.

“Ang pagka-halal ni ABC President Solaiman Adtong ay isang malaking patunay na ang sinasabing kontrolado ng iilang barangay ay puro chismis lamang, alam kong marami pang gustong sumama, nahihiya lang ang iba, ngunit sa loob ng dalawang taon, marami na tayong nagawa at narating,” pahayag ng mayor.

Binigyang-diin din ni Mayor Matabalao ang mga tagumpay na nakamit bunga ng sama-samang pagsisikap ng lahat ng departamento at empleyado ng city government, maging permanent man o contractual, pati na rin ang kooperasyon ng mga mamamayan.

“Ang mga accomplishment na ito ay hindi lamang para sa akin, kundi accomplishment ng sanggunian panglungsod, ng mga masisipag na department head, ng mga empleyado, at ng taong bayan. Sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta, patuloy tayong magsusumikap para sa ikabubuti ng ating lungsod,” pagtatapos ni Mayor Matabalao.

Sa kanyang ikalawang SOCA, muling ipinakita ni Mayor Matabalao na sa kabila ng mga pagsubok, malayo na ang narating ng Cotabato City. “Malayo pa pero malayo na,” ang kanyang mga salita na nagsilbing inspirasyon para sa lahat ng Cotabateños na patuloy na magsumikap para sa isang mas maliwanag at mas magandang kinabukasan. (Hasna U. Bacol, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MP Kelie Antao, nagsagawa ng oryentasyon para sa SGA Mayoral at Vice-Mayoral Aspirants
Next post BARMM Ministry of Health Strengthens Ties with Relief International, DOH Epidemiology Department