BARMM Chief Minister Ebrahim, kasama sa delegasyon ni President “Bongbong” Marcos, Jr. sa Brunei
COTABATO CITY (Ika-12 ng Hunyo, 2024) — Sa pagbisita ni Philippine President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kasama ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete ay kasama sa kanyang delegasyon ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, kabilang sina Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA) Director General Mohajirin Ali at BPDA-Research and Development Division (RDD) Chief Marifah Agar, sa dalawang araw na pagbisita sa Brunei, noong ika-28 at 29 ng Mayo, 2024.
Ang layunin ng pagbisita ay para palakasin ang mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at Brunei, at ipinakita ni Chief Minister Ebrahim ang oportunidad sa pagnegosyo ng Bangsamoro Region.
“BARMM is undergoing a transformative phase with a focus on sustainable development, peace, and inclusive growth—a thrust championed under the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr,” pahayag pa ni Chief Minister Ebrahim.
Binigyang-diin din ni Ebrahim ang mga benepisyo ng BARMM bilang destinasyon para sa pamumuhunan, kabilang ang maraming likas na yaman, mayamang kultura, at potensyal sa eco-tourism, na sinusuportahan ng mas malaking awtonomiya para sa pagpapaunlad.
“BARMM offers key advantages that make it an ideal investment destination. Our abundant natural resources, rich cultural heritage, and eco-tourism potential are complemented by greater autonomy for tailored development. Our strong economic performance, competitive investment costs, and commitment to sustainability enhance this appeal,” ayon kay Ebrahim.
“Significant infrastructure projects improve connectivity and utilities, while a skilled, diverse workforce drives innovation. Crucially, government-private sector collaboration ensures a business-friendly environment, making BARMM promising long-term investments,” dagdag nito.
Itinampok din ni Chief Minister Ebrahim ang mga tagumpay ng Bangsamoro Regional Government at hinikayat ang pagsasaliksik at pamumuhunan sa BARMM upang lumikha ng masagana at panatag na kinabukasan para sa rehiyon at para sa Pilipinas. (Sahara A. Saban, BMN/BangsamoroToday)