MSSD pinaigting ang kahandaan sa kalamidad sa Sulu

Emergency Go Bags. (Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-6 ng Hunyo, 2024) — Sa pamamagitan ng Sulu Logistics Office ng Ministry of Social Services and Development (MSSD), ay namahagi ng mga Emergency Go Bag sa 405 lokal na community disaster responders, para-social workers, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Siasi, Sulu noong Ika-3 ng Hunyo.

Sa kabuuang bilang ng mga tumanggap, 300 Emergency Go Bags ang ibinigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps, 50 sa Barangay Disaster Risk Reduction Management Office (BDRRMO), 50 sa para-social workers, at lima sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO). Ang bawat bag ay naglalaman ng mahahalagang kagamitan tulad ng solar lamp, radyo, pito, lubid, collapsible water container, first aid kit, at mga advanced medical tools tulad ng manual resuscitator at cardiopulmonary resuscitation kit.

Batay sa pahayag ng MSSD, ang pangunahing layunin ng pamamahaging ito ay mabigyan ang mga emergency responders, opisyal ng barangay, at mga boluntaryo ng komunidad para sa epektibong pagtugon sa sakuna.

Dagdag pa ng MSSD na ang pagsisikap na ito ay bahagi ng Ligtas Pamilya Project sa ilalim ng Disaster Response Management Division (DRMD) ng MSSD, na naglalayong mapabuti ang kaalaman at kakayahan ng mga lider ng komunidad at mga sambahayan sa paghahanda at pagiging matatag sa harap ng sakuna.

Kasabay ng pamamahagi, ay nagsagawa ang MDRRMO ng Siasi ng isang orentasyon kung paano ang tamang paggamit ng mga kagamitan ng responders upang matiyak ang maayos at epektibo na pagtugon sa panahon ng emergency. (Hasna U. Bacol, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 1,000 pamilyang apektado ng El Niño sa Cotabato City, tumanggap ng ayuda hatid ng MSDD
Next post MOST Enhances Workplace Equality with Gender Sensitivity Training