MSSD-BARMM namahagi ng tulong sa mga biktima ng El Niño sa Maguindanao del Sur

MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie. (Litrato ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday file photo)

COTABATO CITY (Ika-20 ng Mayo, 2024) — Nagsagawa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa pangunguna ni Minister Atty. Raissa H. Jajurie ng pamamahagi ng tulong sa 350 pamilyang naapektuhan ng matinding tagtuyot sa walong (8) barangay ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Mayo 13, 2024. Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng 25 kilo ng bigas at mga family food packs na naglalaman ng iba’t ibang uri ng de-lata at kape upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, ayon pa sa MSSD.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng programa ng MSSD na tinatawag na Emergency Relief Assistance (ERA) na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng iba’t ibang sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods.

Ang MSSD sa Maguindanao del Sur ay patuloy na magmo-monitor sa sitwasyon ng mga pamilyang apektado ng tagtuyot sa tulong ng mga Municipal Social Welfare Offices (MSWOs) sa iba’t ibang munisipyo. Sa pahayag ng MSSD, ang tulong ng mga MSWOs ay susuriin ang mga pangangailangan ng mga pamilya upang malaman kung may karagdagang tulong na kailangan bukod sa mga naunang relief assistance.

Bukod sa tulong mula sa MSSD, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng Datu Hoffer ng ayuda mula sa kanilang calamity fund, na kinabibilangan ng bigas para sa mga barangay na hindi nasakop ng pamamahagi ng MSSD. Ito ay upang masiguro na lahat ng apektadong pamilya ay makatanggap ng kinakailangang suporta.

Sabi pa ng ministeryo na inaasahan ang ayuda na ito ay makakatulong sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng El Niño at magiging daan upang maibsan ang kanilang hirap sa pang-araw-araw na buhay sa gitna ng krisis na dulot ng tagtuyot. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Rido sa bayan ng Tugunan, SGA, Tinuldukan sa Tulong ng PSRO-BARMM
Next post MP Antao mulls legislation for Legal and Shari’ah Scholarship and Return Services