Basilan Governor Jim Hataman, kasama ang residente ng lalawigan, ipapanalo ang UBJP sa 2025 Elections
COTABATO CITY (Ika-17 ng Mayo, 2024) — Isinagawa ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang Regional Assembly nito sa lalawigan ng Basilan nitong araw ng Huwebes, ika-16 ng Mayo na dinaluhan ng tinatayang 10,000 supporters kabilang si Basilan Governor Hadjiman Sabbihi “Jim” Hataman Salliman na ginanap sa Lamitan City Gymnasium, matapos ang matagumpay na isinagawang assembly para sa Lanao del Sur, Lanao del Norte at Marawi City noong May 6 na dinagsa ng mahigit 30,000 residente ng lugar.
“Ang lahat ng pwede naming magagawa ay gagawin namin…Darating sa 2025 election subukan ko pong, kasama ang mga ito (Mayors, community, at iba pang kaalyado ng MILF political party) para maipanalo ng landslide ang UBJP rito sa Basilan, insha Allahu taala,” pahayag ni Jim Hataman.
Matatandaan na binigyang-diin ng Pangulo ng United Bangsamoro Justice Party, Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, ang dedikasyon ng partido sa katarungan, moral na pamamahala, at etikal na pamumuno, na nagpapalakas sa kanilang pangako na tugunan ang mga kawalang-katarungan sa lipunan.
Pinagtibay ng UBJP, ang kanilang paninindigan bilang isang Principled Political Party, sa Unang General Assembly, office of party Vice President and for Central Mindanao na ginanap sa Cotabato City noong ikalabing pito ng pebrero dos mil bente kwatro, kasunod ang Inauguration of the Regional Headquarters Office, at Office of the Party Vice President and for Central Mindanao, na isinagawa rin sa lungsod na ito sa pangunguna ni Ebrahim.
Ang UBJP ay pangunahing kumakatawan sa mga interes ng mga Bangsamoro, lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Nananawagan ito para sa mga karapatan, kagalingan, at pag-unlad ng komunidad ng Bangsamoro, upang makilahok sa pamamahala at proseso, ng paggawa ng desisyon sa lokal at pambansang antas.
Kasama sa plataporma ng partido ang mga isyu tulad ng pagbuo ng kapayapaan, pang-ekonomiyang pag-unlad, pangangalaga sa kultura, at pagprotekta sa mga karapatan ng mga minoryang grupo, sa loob ng rehiyon ng Bangsamoro.
Ang pagkatatatag ng UBJP ay bahagi ng transisyon ng MILF mula sa rebolusyonaryong grupo sa isang social movement at nagbukas ng daan para sa pakikilahok ng MILF sa demokratikong proseso ng bansa. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)
Parang wala pa.pong UBJP Assembly sa province ng MDN, Madam Reporter?