Al-hafidh pambato ng Pilipinas na Bangsamoro, wagi sa International Holy Qur’an Contest sa Dubai

(Graphics: BMN)

COTABATO CITY (Ika-23 ng Marso, 2024) —Nakuha ni Al-hafidh Muzaher Suweb Bito, 17-anyos mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng bansa ang ikatlong pwesto sa ginanap na 27th Session Dubai International Holy Qur’an Contest.

Mula sa mahigit 70 kalahok sa ibat’ibang bansa ay pasok si Bito sa Top 10, ipinakita ang kanyang galing sa pag memorya ng Qur’an, at tuluyang nasungkit ang karangalan para sa bansa at sa Bangsamoro.

Si Al-hafidh Bito, sa murang edad, ay kabisado na ang buong 114 na Kabanata ng Banal na Qurān mula sa simula hanggang sa dulo, kaya nagawa niyang makapasok sa top 3 ng quiz rounds ng nasabing Qurān Competition.

Sya ay nakatira sa lalawigan ng Maguindanao at nag-aral ng Qur’an sa Markadz Ebrahim sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Bilang premyo, tumanggap siya ng 150,000 Dirham o mahigit na 2 milyong piso. Ang Bahrain ang nanguna, sinusundan ng Libya, at ang Pilipinas at bansang Gambia ang pumangatlo sa patimpalak.

Narito ang listahan ng Top 10:

Top 1: Bahrain 🇧🇭
Top 2: Libya 🇱🇾
Top 3: Philippines 🇵🇭 and Gambia 🇬🇲
Top 5: France 🇫🇷
Top 6: Tunisia 🇹🇳
Top 7: Yemen 🇾🇪
Top 8: Italy 🇮🇹
Top 9: Niger 🇳🇪
Top 10: Benin 🇧🇯
 
Kasama ni Al-hafidh Bito sa pagpunta sa Dubai bilang kanyang coach ang Presidente ng Sheikh Mas’ud Mohammad Ali Lantong, na sya rin ang Chairman ng Shu Unul Qur’an Central Committee ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Al-hafidh Muzaher Suweb Bito at Sheikh Mas’ud Mohammad Ali Lantong. (Photo CTTO)

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati ang Bangsamoro government na pinamumunuan ni Chief Minister Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, gayundin ang iba pang mga ministries ng BARMM, ang Bangsamoro Community sa Dubai at Pilipinas. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post STATEMENT OF SUPPORT TO THE CALL OF CSOs IN MINDANAO FOR THE COMPLETE IMPLEMENTATION OF CAB THROUGH FURTHER EXTENSION OF BANGSAMORO TRANSITION AUTHORITY UNTIL 2028
Next post Statement by the Third Party Monitoring Team (TPMT) on the 10th anniversary of the signing of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB)