PSRO-BARMM matagumpay na naisagawa ang Dalawang Episode ng Kapeyapaan sa Bangsamoro Online Program
COTABATO CITY (Ika-10 ng Marso, 2024) — KAPEYAPAAN SA BANGSAMORO: Talking peace over coffee, programang inorganisa ng Peace Security and Reconciliation Office o PSRO katuwang ang Bangsamoro Multmedia Network (BMN) Inc. na tumalakay sa usapang development sa rehiyon ng Bangsamoro, mga tagumpay ng BARMM government, mga kaganapan sa peace and security, kaunlaran ng ekonomiya at iba pang ,mahahalagang impormasyon na kailangan malaman ng publiko.
Sa unang episode, pinag usapan ang isa sa mga mandato ng PSRO, ito ay prevention and resolution of rido sa Bangsamoro.
Panauhin sa programa si PSRO Executive Director Anwar S. Alamada at SGADA Administrator Butch Malang, kasama ang mga heads of families ng pamilyang na’ involve sa rido na matagumpay na na-settle ng Tanggapan ni Executive Director Alamada.
Sina BIAF Eastern Commander Hadji Faisal Pigkaulan, Retired Police Lumenda Idsala ang panauhin sa unang episode ng Talkshow at mga ibat-ibang kawani ng media ang nag cover ng programa.
“Nilagdaan lamang ang tanggapan ng PSRO taong 2022 buwan ng September. Ang background ng PSRO ay siya ang kumi’ cater ng ceasefire mechanism sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at Gobyerno ng Pilipinas katulad na lamang ng AHJAG-CCH. Ang component ng organisasyon ay yung mga created task force reconciliation, team sight leaders mula sa AHJAG, GCNP, Local Monitoring Team at iba pa na pawang kasapi ng ceasefire mechanism” ayon kay PSRO Executive Director Alamada.
Pinapanatili rin ng tanggapan ang ceasefire agreement sa pagitan ng MILF at Pilipinas na tinawag niyang Vertical Conflict sa pamamagitan ng mga mandato at mekanismo na saklaw ng tanggapan.
“Ipinapalaganap din sa mga komunidad na tapos na ang giyera sa pagitan ng MILF at Pilipinas, all out peace na ngayon. Tinututukan din ang tanggapan ang reconciliation at rido prevention,” dagdag ni Alamada.
“May basbas ang liderato ng BARMM sa aming mga ginagawa at direktiba sa Office of the Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim. Yung matatagal na rido ay dapat makapag kasundo at yung tension ay agad inaawat para hindi na mabuo at pagkatapos ay tinutungo ng conflict management team, investigation team, mediator para kumbinsihin ang magkabilang panig para maresolba ang conflict,” paliwanag pa nya.
Sinabi din ni Alamada na hindi lamang PSRO ang nagreresolba ng mga rido dahil marami anyang existing mechanism ang involve at ito ay na pinangungunahan lamang ng PSRO.
“Ang unang nakikita naming kagandahan ng PSRO ay yung mga tao niya ay nanggaling din sa ceasefire committee ng AHJAG-CCH. Nakikita ang recognition dahil hindi lamang mga ordinaryong tao kasama rin ang matataas na leader ng BIAF-MILF sa area. Pangalawang nakikita ay yung authority na ibinigay ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim ayon pa kay SGADA Administrator Butch Malang.
“Sa tuwing may aasikasuhin na rido ay nagpapapaalam kami sa Chief of Staff ng BIAF-MILF na sya ring Gobernador ng Maguindanao Del Norte Abdulraof Sammy Gambar Macacua,” wika pa ni Malang.
“Ang pakikipagtulungan sa security sector ay nandoon palagi kaya hindi mahirap bukod sa matagal na naming ginagawa ay may sapat din sa mga karanasan sa rido settlement,” punto pa ni Malang.
Samantala, sa pangalawang episode ng Kapeyapaan sa Bangsamoro ay pinag usapan ang mga serbisyong medikal ng PSRO sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health (MOH) sa mga MILF transitioning combatants. Kabilang din sa tinalakay ang partnerships ng PSRO ang mga ahensya ng BARMM government upang maihatid ang mabisa at dekalidad na serbisyo sa mga MILF transitioning combatants.
Sa programa ay buong-buo ang suporta ng Media na nag-cover sa PSRO Kapeyapaan sa Bagsamoro online program.
Panauhin sa programa si OIC Director General Director Tato Usman ng MOH, Dr. John O. Maliga, na syang Chief of Medical Professional Staff II, Medical Service Office, Cotabato regional and Medical Center (CRMC) at kasama parin ang regular guest ng Kapeyapaan sa Bangsamoro, Executive Director Alamada.
“Tayo po ang mag identify doon sa mga MILF combatants na ire-refer sa partner sa kalusugan ang Ministry of Health, mayroon din partner hospital sa Davao City. Ang tanggapan ang nagre’ refer lalong lalo na sa mga kasapi ng MILF na may problema sa seguridad at marami pang iba.
May nakatalagang staff ang PSRO na sila ang makipag ugnayan sa MOH hanggang sa madala sa hospital. Mahigit kumulang dalawang-daan (200) benepisaryo na ang nakatanggap ng medikal assistance sa pamamagitan ng tanggapan,” ayon Alamada.
“Nakahanda ang tanggapan at gagawin ang lahat para maka assist sa mga nangangailangang Bangsamoro, pai’ idtingin din ang partnership sa kanila para makamit ang hangad ng BARMM government sa pangunguna ni Chief Minister Ebrahim na moral governance kahit sa transition period pa lamang ay nakaka deliver parin ng maraming serbisyo na tumpak sa moral governance na inaasam-asam nating lahat,” dagdag ni Alamada.
“Nasa transition period pa ang tinututukan natin. Siguro kapag regular government na tayo ay mas mahihigitan pa ito at doon natin makikita ang tunay na mukha ng moral governance na sinusuportahan ng lahat. Salamat din sa office of the chief minister sa paggawa ng tanggapan ng PSRO,” wika ni Alamada.
“Ang Ministry of Health ang pinaka highest implementing body pagdating sa kalusugan saan man sa mundo. Ang responsibilidad natin ay siguraduhin ang kalusugan ng bawat Bangsamoro dito sa BARMM government. Kapag malusog ang Bangsamoro ay makaambag sa ekonomiya ng Bangsamoro. Kaya nga responsibilidad namin sa pamamagitan ng health services na pinapatupad ng tanggapan sa ibat’ ibang sulok ng rehiyon,” ayon pa kay OIC Director General Dr. Usman.
Ayon kay Dr. Usman ay nai’ turnover narin ang anim na health center para sa ibat’ ibang kampo ng MILF para magserbisyo sa mga combatants at kasama sa dumalo ang Department of Health, OPAPP. Kabilang dito ang Camp Abubakar, Camp Bad’r, Camp Omar, Camp Rajamuda, Camp Bilal, Camp Busra at pagkatapos ay nagkaroon ng medical outreach program para sa mga dumalo, pamilya ng mga combatant para matugunan ang kanilang pangangailangan.
Sinabi nman ni Dr. Maliga ang CRMC ay tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo sa kasapi ng Moro Islamic Liberation Front at sa mga kasamahan dati na hindi nabigyan ng panahon na maka access sa medical assistance.
“Sa bawat Bangsamoro, buhay ay mahalaga, kapag tumatagal ang buhay mo sa mundo makakagawa ka ng mabuti at serbisyo sa Bangsamoro. Lahat ng yun ay magiging investments kapag tayo ay nasa libingan na, kayat importante ang preventive measure sa mga makakasira sa kalusugan,” pahayag ni Dr. Maliga.
“Hinihikayat ko sila na magpa executive check-up para malaman ang problema sa kalusugan huwag natin hintayin na nagkakaroon ng matinding karamdaman bago sila nagagamot para mahanapan ng paraan, gagawin natin ang ating part,” diin ni Dr. Maliga.
“Last November nakakuha kami ng most outstanding all over the Philippines. Natalo po namin ang ibang region sa Pilipinas; nasa Bangsamoro po ang Cotabato Regional Medical Center at mula January hanggang December 2023 ay 5,618 admitted patients ang ang kanilang natulungan,” masayang inihayag ni Dr. Maliga. (Datumin M. Eskak, BMN/BangsamoroToday)