Peace, Security and Reconciliation Office inilunsad ang ‘Kapeyapaan sa Bangsamoro: talking peace over coffee’ online program
COTABATO CITY (Ika-26 ng Enero, 2024) – Inilunsad ng Office of the Chief Minister Peace, Security and Reconciliation Office (OCM-PSRO) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang online program nitong “Kapeyapaan sa Bangsamoro; talking peace over coffee” at tinalakay sa unang episode ang mandato at programa sa tulong ng Bangsamoro Multimedia Network (BMN) na bihasa sa pangangasiwa ng talk-show program at pag-host na ginanap nitong Lunes.
Ito ay isang buwanang programa kung saan pag-uusapan ang mga pinakabagong developments sa rehiyon, mga tagumpay ng BARMM government, mga kaganapan tungkol sa peace and security, kaunlaran ng ekonomiya, at iba pang mahahalagang impormasyon na kailangang malaman ng publiko.
Ang talakayan ay pinangunahan nina PSRO Executive Director Anwar S. Alamada at kilala din sa “Young Fighter”, SGADA Administrator Butch Malang, MILF-BIAF Commander Deputy Front Commander Hadji Faisal Pigkaulan at Retired Police Lumenda Idsala na ginanap sa Em Manor Hotel and Convention Center dito sa lungsod.
Ibinahagi ni Executive Director Alamada ang mandato ng PSRO kasama na ang pamamagitan sa mga conflict o hindi pagkakasundo sa loob at labas ng BARMM kung saan ito ay nakatutok sa vertical at horizontal conflict, conflict prevention at reconciliation ng mga rido.
Kabilang sa mga mandato ng PSRO ay ang suportahan ang mga former combatants sa kanilang transition sa civilian life. Higit 200 former Moro Islamic Liberation Front o MILF commanders sa Bangsamoro region ang sumalang sa mga short course training sessions sa usaping pangkapayapaan at demokrasya.
Dahil dito, itinatag ang School of Peace and Democracy o SPD sa pangunguna ng PSR at sa tulong ng United Nations Development Program o UNDP. Binigyang diin ni PSRO Direktor Anwar Alamada, ang importansya ng mga skills and knowledge in navigating the critical phase of transition ng mga commanders. Lalong lalo na sa kanilang pakikilahok sa politikal na gawain at mga usaping pangkapayapaan.
Inilahad din ni Alamada ang mga estratehiya ng PSRO sa mga tuntunin ng prevention sa Rido, una rito ay ang monitoring sa ground, pangalawa ay ang engagement sa mga sektor area bagamat hindi sila agad kumikilos ng walang konsultasyon.
Ikinuwento naman ni Retired Police Lumenda Idsala ang naging karanasan sa rido, aniya “mahirap magkaroon ng rido dahil hindi natatahimik ang isip mo kung kayat isang malaking tulong na nagkaroon ng ganitong agency na tututok sa mga ganitong problema”.
Sinabi ng PSRO na mahigit tatlumpung (30) heads of families ang na-involve sa rido o hindi pagkakaunawaan ang matagumpay na ring na ayos ng tanggapan at patuloy parin ito sa pagsubaybay at pagtatatag ng monitoring mechanisms sa mga pamilyang sangkot sa rido.
Kabilang sa bahagi ng “Kapeyapaan sa Bangsamoro; talking peace over coffee” ay ang Media Press Conference upang mabigyan ng pagkakataon ang mga media o press na makapag tanong sa PSRO. Ang second episode ay magaganap sa buwan ng Pebrero na mapapanood sa Bangsamoro Multimedia Network (BMN), PSRO at Kaunlaran sa Bangsamoro official Facebook page.
Ang Peace Security and Reconciliation Office Ay isang ahensya na binuo ng Opisina ni Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim noong September 30, 2022. Ang PSRO ay may mandatong suportahan at maglingkod sa mga transitioning combatants at mga mekanismong pangkapayapaan sa rehiyon, tulad na lamang ng MILF Joint Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities, Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG), at kasama na dito ang mga monitoring outposts, local monitoring teams, mga committee at task force.
Mandato rin ng PSRO na suportahan ang mga peace mechanisms na ito upang masiguro na ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at gawaing mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng rehiyon ng Bangsamoro habang ito ay nasa period of transition. (Bai Zuhana G. Madidis, BMN/BangsamoroToday)