Basilan 4Ps exiting kinilala sa MSSD Pugay Tagumpay Program
COTABATO CITY (Ika-31 ng Disyembre, 2023) – Ang Ministry of Social Services and Development (MSSD), sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay inorganisa ang Pugay Tagumpay—isang graduation ceremony para sa 817 beneficiaries na residente ng munisipalidad ng Akbar, Tipo-Tipo, at Sumisip sa Basilan na naganap mula Disyembre 8 hanggang Disyembre 12, 2023.
Sa mga nagtapos na benepisyaryo ng 4Ps sa lalawigan, 365 ang mula sa Tipo-Tipo, 257 mula sa Akbar, at 195 mula sa Sumisip.
Bawat 4Ps household graduate ay tumanggap ng certificate of recognition, food package na naglalaman ng 1 sako ng bigas, canned goods, noodles, kape, at asukal, at PhP 15,000 seed capital fund para sa kanilang napiling negosyo sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ang programang 4Ps ay isa sa mga programang pinondohan ng bansa na ipinatupad ng MSSD sa rehiyon na istratehiya ng pambansang pamahalaan upang mabawasan ang kahirapan at maibsan ang panandaliang pangangailangan ng mga benepisyaryo ng sambahayan at wakasan ang intergenerational cycle ng kahirapan sa pamamagitan ng pamumuhunan sa human capital.
Kabilang sa partners ng MSSD ay ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), na namahagi ng mga punla at pataba sa mga nagtapos ng 4Ps para sa pagtatanim ng kanilang sariling mga taniman. Ang Ministry of Basic Higher and Technical Education (MBHTE), sa pamamagitan ng technical vocational skills program nito, ay nagbigay ng livelihood skills training para sa mga benepisyaryo.
Patuloy na susubaybayan ng MSSD ang mga benepisyaryo ng 4Ps na nagsipqgtapos na sa programa upang matiyak ang pag-unlad ng kanilang kagalingan na makakamit sa pamamagitan ng programa. Bibigyan pa rin sila ng suporta, patnubay, at mga panlipunang interbensyon na kailangan para sa kanilang mga negosyo na umunlad at mapanatiling makatawid sa anumang hamon sa buhay. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)