Konstruksiyon ng Ganta-Gambar Road sa Mother Kabuntalan pormal ng sinimulan
COTABATO CITY (Ika-30 ng Disyembre, 2023) — Ang Lalawigan ng Maguindanao del Norte ay pormal nang sinimulan ang groundbreaking ceremony ang Ganta-Gambar Road, Gambar Mother Kabuntalan.
Ang 18 milyong proyektong ito, na ipinatupad ng Provincial Engineer’s Office (PEO), ay pinondohan ng 20% ng National Tax Allotment ng lalawigan at nakatakdang matapos sa loob ng 120 araw.
Sa kanyang mensahe, itinuring ni Provincial Administrator Tomanda D. Antok, PhD, ang proyekto bilang isang monumental na hakbang para sa Mother Kabuntalan tungo sa mas progresibong munisipalidad.
Ayon kay Dr Tomanda, kapag ito ay natapos, ang kalsada ay makakatulong sa higit pang pagpapaunlad ng potensyal na pang-ekonomiya at mapahusay ang access ng mga residente sa trabaho, edukasyon, at iba pang serbisyong panlipunan.
Dagdag pa niya, ang Barangay Gambar na tahanan ni Gobernador Abdulraof “Gob Sam” Macacua na may malalim na karanasan sa lugar ay ipinagmalaki na naging kabahagi sya sa proyektong ito. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)