PhP1.5 Bilyon badyet ng Cotabato City Government para sa 2024 aprubado na ng ika-17th SP
COTABATO CITY (Ika-28 ng Disyembre, 2023) — Isang makasaysayang badyet na nagkakahalaga ng ₱1,580,873,630 ang matagumpay na inaprubahan sa pagpasok ng Fiscal Year 2024 ng ika-78 sesyon ng ika-17 Sangguniang Panlungsod.
Ayon sa City LGU ng Cotabato, isa itong bagong kabanata na binuksan para sa makulay na lungsod ng Cotabato matapos ma aprubahan ang badyet.
Simbolo anya ito ng panibagong pag-asa at pangako para sa bawat Cotabateño na “produkto ng masusing pagpaplano at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor.”
“Ito ay isang panahon ng pagbabago, isang panahon ng pag-asa. Sa bawat pisong inilaan, ay isang pangarap ang mabubuo—ang pangarap ng bawat Cotabateño para sa isang mas maganda at masaganang bukas para sa lahat,” paliwanag pa ng Cotabato City LGU sa pamumuno ni Mayor Mohammad Bruce Dela Cruz Matabalao at Vice Mayor Butch C. Abu. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)