MOTC-BARMM magpapatayo ng ibat’-ibang ‘infra projects’ sa Bangsamoro
COTABATO CITY (Ika-19 ng Disyembre, 2023) – Ang Ministry of Transportation and Communications (MOTC) BARMM ay nag ho-host ng groundbreaking ceremony para sa apat (4) na pangunahing Infrastructure Development Projects ng MOTC. Ang iba’t ibang infra na ito ay ang Rehabilitation at Repair ng MOTC Regional Office Building, ang Konstruksyon ng VIP Lounge sa Awang Airport, ang Konstruksyon ng VIP Lounge sa Sanga-Sanga Airport, at ang Expansion ng Sanga-Sanga Staff House Building na dinaluhan ng mga Member of Parliament na nag sponsor sa proyekto, iba pang miyembro ng parliament na dumalo, opisyal at empleyado ng ministeryo, mga panauhin, at mga personalidad ng media na ginanap sa MOTC Compound, Cotabato City noong Disyembre 18, 2023.
Ang bagong gusali ng opisina ay sasakupin ang isang bahagi ng lote na katabi ng gusali ng tanggapan ng MOTC. Ito ay magiging dalawang palapag na gusali na may kabuuang lawak na 644 metro kuwadrado at gagawin sa loob ng 365 araw.
Ang pasilidad na ito ay maaaring tumanggap ng patuloy na pagdami ng manggagawa, bigyan ang ministeryo ng pagkakakilanlan at pagkakataon na lumikha ng isang bagong kaaya-ayang kultura sa pagtatrabaho, at mag-ambag sa katatagan ng ekonomiya. Ang proyekto ay badyet na dalawampung milyong piso, PhP 20,000,000.00, na nagmula sa General Appropriations Act of the Bangsamoro (GAAB).
Samantala, ang Expansion ng Staff House building sa 226 sq.m floor area ay itatayo katabi ng kasalukuyang staff house sa Sanga-Sanga airport. Ang dalawang palapag na gusali ay may walong mga sala na may 10 milyong badyet na naka-target sa 300 araw ng kalendaryo.
Ang Konstruksyon ng VIP Lounge sa Awang Airport ay itatayo sa isang 94.05 sq.m na lugar na katabi ng Passenger Terminal Building na idinisenyo na kayang tumanggap ng 50 katao na popondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Baintan Ampatuan sa halagang 5 Million pesos.
Ang Konstruksyon ng VIP Lounge sa Sanga-Sanga Airport, isang palapag na may lawak na 115.2 sq.m na lugar na katabi ng PTB Building sa paliparan, sa loob ng TDIF ni MP Amilbahar Mawallil at itatayo sa loob ng 180 araw.
Bukod dito, 36 na unit ng 120-watt solar street lights sa airside at landside areas ng Jolo Airport at Sanga-Sanga na may 45 units, lahat ay may mga konkretong pedestal at conical steel pole, na ilalagay sa loob ng 90 araw, na may aprubadong badyet na 2.5 milyong piso at 3 milyon sa ilalim ng TDIF ni MP Jose I. Lorena.
Pinangunahan ni Minister Atty. Paisalin P. Tago, CPA ang inagurasyon at groundbreaking ng mga infra projects ng MOTC-BARMM kasama ang ilan pang mga Miyembro ng Parliament na dumalo, mga opisyal ng MOTC, at mga empleyado. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)