Bangsamoro Veteran Mujahideen, Kinokonsulta ng BTA tungkol sa BTA Bill No. 44
COTABATO CITY (May 30, 2023) – Inimbitahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang mga Pinuno at mga mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation na lumahok sa proseso ng konsultasyon para sa BTA Bill No. 44, o ang Bangsamoro Veteran Mujahideen Act of 2022, sa Marawi City, Lanao del Sur at Cotabato City, BARMM.
Ipinakilala ng Government of the Day sa publiko ang BTA Bill No. 44, na lilikha ng Bangsamoro Veteran Mujahideen Affairs Office (BVMAO) na naglalayong magbigay ng pinansyal, medikal, panlipunan, at iba pang tulong sa mga beterano ng MILF at MNLF Mujahideen na nakipaglaban kasama ng mga rebolusyonaryong pwersa sa loob ng hindi bababa sa 20 taon sa matagalang digmaan para sa sariling -pagpapasya sa pagitan ng Bangsamoro at ng pambansang pamahalaan.
Ang daan-daang mga kalahok na dumalo sa provincial gymnasium ng Marawi City, araw ng Martes, May 30 ay nanawagan sa agarang pagpasa ng BTA Bill No. 44, isang panukalang magtatatag ng isang tanggapan na nakatuon sa pagtulong sa mga kapus-palad na beteranong Mujahideen sa rehiyon ng Bangsamoro.
Inilarawan ng miyembro ng Parliament na si Basit Abbas ang pampublikong konsultasyon bilang isang “makasaysayang kaganapan,” kung saan ang mga pinuno at miyembro ng MILF at MNLF ay nagsasama-sama bilang isa.
Pinuri ng isa sa mga kalahok na si Hasana Unda ang mga nagsusulong ng panukalang batas, na tinawag ang panukala na isa sa mga “makasaysayang panukalang batas” na inihain ng Bangsamoro Parliament.
Sa panahon ng pampublikong konsultasyon, ang MILF at MNLF combatants ay nagpahayag ng ilang mga isyu at alalahanin, kabilang ang mga kwalipikasyon ng mga benepisyaryo, representasyon ng kababaihan, at ang mga benepisyo at pribilehiyo ng panukala.
Ang proseso ng konsultasyon ay pinangunahan ng Bangsamoro Parliament’s Social Services and Development Committee, kasama si Deputy Floor Leader Atty. Anna Tarhata Basman.
Samantala, sa Lungsod ng Cotabato, napakaraming tao din ang nagtipon na lumahok sa isang konsultasyon para sa iminungkahing panukala na magtatatag ng Bangsamoro Veteran Mujaideen Affairs Office.
Hinimok ni Committee on Social Services and Development (CSSD) Chair Engr. Aida Silongan ang kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang agarang pagpasa ng panukalang batas, na idiniin na “ang tunay na nagsakripisyo ang magiging pangunahing priyoridad.”
Parehong sinusuportahan ng Moro Islamic Liberation Front at ng Moro National Liberation Front ang pagpasa ng BTA Bill No. 44.
Ilan sa mga puntong inilatag sa panahon ng konsultasyon ay ang pagsasama ng mga beterano na naninirahan sa labas ng BARMM, mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat para sa programa, ang proseso ng validation ng mga benepisyaryo, tulong pang-edukasyon para sa mga anak ng beterano, at legal na tulong para sa mga kaso ng kombatan, bukod sa iba pa.
Sinabi ni Presiding Chair Atty. Raisa Jajurie sa mga stakeholder na ang kanilang feedback at rekomendasyon ay maingat na isasaalang-alang. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)
Mabuhay Bangsamoro government !
Sa palagy ko po pwding ibalik yong dating gawain Ng mga guro na nagbibigay po Ng zakat para sa mujahiden, yong 50.monthly dati gawing 100 para sa veteran mujahiden KC po my edad na sila, mahirap na sa part nila maghanap Buhay ,di nmn cgoro makaya Ng gabernong sweldohan lahat.
Sukran po.pagpalaing Bangsamoro!