BARMM SGA 1st Qur’an Competition ika-4th week program ginanap sa bayan ng Kabacan
COTABATO CITY (April 17, 2018) – Ang ika-apat na linggo ng 1st Special Geographic Area (SGA) Qur’an Competition ay ginanap sa Barangay Pedtad, Kabacan, North Cotabato, SGA, BARMM sa pamumuno ni SGADA Administrator Butch P. Malang, kahapon ika-16 ng Abril, 2023.
Sa panimula ng programa ay nagbigay ng mungkahi si Malang, Office of the Administrator ng SGA sa mga kalahok na tuloy lang sa pag-aaral, at kanyang ginawang halimbawa ang kanyang anak na isa ring Hafidh at nagpatuloy din sa pag-aaral ng English matapos makapasa sa Alternative Learning System.
Sa mensahe naman ni Ustadh Ustadh Hamzah A. Salik, Executive Assistant ng SGADA, ay ipinaliwanag nya ang kahalagahan ng Qur’an.
“Kapigkapit ba nya sa kanu agama nu Allah SWT sa sya makaukit sa kanu kab’langag sa Qur’an, na a amengka ilayn tanu i kina tulon lun na sya initulun sa kanu pinaka mapya din a inadin no Allahu ta Allah, pinamili su Taw a tinulunan kanu Qur’an, pinimili su gay a pinaka mapya a gay sa kinadtalu kanu Qur’an, pinamili Su dalpa sa kanu langun-langun nu dalpa,” ayon kay Salik.
Sinabi naman ni Abdulraof Uyag, isang lider
sa lugar, na ang Qur”an ay hindi lamang para sa sarili kundi ito ay para sa Bangsamoro. “Qur’an anya na d’kina para sa personality bu ka para sa Bangsamoro inya,” anya pa sa wikang Maguindanaon.
Samantala, bago i deklara ang mga nagwagi sa competition ay nagbigay muna ng mensahe ng Chairman ng Shu’unol Qur’an Sheikh Mas’od Lantong Mohammadali, at BOD Chairman ng Alhuffaz Foundation, “Sikanu a mga wata idtantu kanu ka nambay continuation na Jihad, nambay continuation na kadtantu ka u di kanu idtanto na ginitas nu i likami anya na ludsuan.”
Anya, kinakailangang magpursige pa dahil ito ay pagpapatuloy ng pakikibaka, dahil kapag hindi sila nagsumikap ay mapuputol nila (kabataan) ang sinimulan ng mga matatanda.
Nanalo at nakuha ni Yusop Hadji Omar ang 1st placer, 2nd placer naman si Norhan Gubal, at 3rd placer si Seddick Uyag.
Ang kaganapan sa linggong ito ay itinataguyod sa pakikipagtulungan ng Alhuffaz Charity Foundation in Southern Philippines, Inc. (ACFISPi), Union of Muslim Youth Organizations, Inc. (UMYOi), United Bangsamoro Justice Party (UBJP) at Bangsamoro Multimedia Network (BMN) Inc. ### (BMN-USM BSIR Interns, litrato ni Ali-Emran U. Abutazil/BMN/BangsamoroToday)