Kabahayan sa MB Bagua tinupok ng apoy, BARMM READi agad namigay ng ayuda

COTABATO CITY (April 13, 2023) – Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan sa Purok Masigay (Manday), Barangay Mother Barangay Bagua, dito sa Lungsod sa nangyaring sunog alas-nuebe y medya ng umaga, Miyerkules ika-12 ng Abril, 2023.

Limang minuto pagkatapos magsimula ang sunog ay agad namang nakaresponde ang Bureau of Fire Protection at Cotabato Filipino Chinese Volunteer Fire Brigade sa naturang lugar.


Ayon kay Chief Supt. Lucilyn B. Jusay, Bureau of Fire Protection (BFP-Cotabato City) ang mismong may-ari ng bahay ang nagsabi na nakita nya na ang pinagmulan ng sunog ay ang nagliyab na electric fan nila ngunit ito ay patuloy pang sinisiyasat ng BFP.


Sa pagtutulungan ng mga Bombero at residente ay agad namang naapula ang sunog at idineklarang “fire out” na ng Bureau of Fire Protection bandang 10:18 ng umaga.

Paalala pa ni Chief Supt. Jusay na siguraduhing naka “unplug” o bunutin din ang mga nakasaksak na appliances para makapagpahinga dahil sa init ng panahon at sa sobrang tagal na paggamit nito ay posibleng magiging dahilan ng sunog.

Samantala, ang sunog ay naging sanhi upang maging abo ang sampung bahay, mawalan ng tirahan ang 17 pamilya na binubuo ng 28 indibidwal sa nasabing lugar.


Nagpasalamat naman si Chief Supt. Jusay, sapagkat wala namang nai-ulat na namatay o nasugatan sa nangyaring insidente bagamat tinatayang daang libong piso rin ang halaga ng ari-arian ang danyos ng apoy.

Pagkatapos maapula ang sunog ay agad nagpadala ng tulong ang iba’t ibang kawani ng pamahalaan kabilang na ang BARMM READi. Ilan sa natanggap ng mga apektadong pamilya ang 10 kilo ng bigas, 10 delata ng sardinas, 10 sachet ng kape, isang flashlight, at mga gamot.

Laking pasasalamat naman ng mga apektadong residente dahil sa tulong na ipinaabot sa kanila at patuloy na nananawagan karagdagang tulong lalo at sa panahon pa naman ng pag-aayuno ngayong buwan ng Ramadhan nangyari ang sunog. ### (Mahadi B. Mama, Shariff Kabunsuan College Work Immersion Student, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Governor Macacua call for unity despite of various allegations on his appointment
Next post BARMM launches 2nd Bangsamoro Development Plan