Huwag maliitin ang Pangulong Marcos, Jr. – Maguindanao del Norte Gov. Macacua

COTABATO CITY (April 12, 2023) — Huwag maliitin ang pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ito ang mensahe ng unang Gobernador ng Maguindanao del Norte, Abdulraof A. Macacua sa isinagawang kauna-unahang Press Conference na ipinatawag ng kanyang administrasyon sa mga mamamahayag kahapon ng umaga, ika-11 ng Abril sa Provincial Government Satellite Office, dito sa lungsod.

Ito ay bunsod ng pagkakatalaga sa kanya bilang Gobernador ng Maguindanao del
Norte dahil maliit lang daw na bagay ang Maguindanao del Norte kumpara sa malalaking alalahanin na inaasikaso ng Pangulong Marcos Jr., upang maliitin sa desisyon na sya ang itinalagang OIC Governor ng lalawigan.



“Panawagan ko lang kahit sino is huwag naman natin maliitin si Presidente, we have to support them, we have to give them our all out support in-order to reinforce his credibility, dignity sa international community,” wika ni Macacua.

Hindi lang Maguindanao ang binibigyang pansin ni Marcos, Jr. kundi pati narin ang ibat-ibang panig ng bansa maging ang buong mundo, kasama ang China, US at ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), punto pa ng Gobernador.

Dagdag pa niya na huwag ding maliitin at sabihin na binigyan ng pera ang ibang kabinete ng Pangulo para trabauhin ang pagtatalaga sa kanya bilang isang Gobernador.

Tugon niya sa kumakalat na balita na nagbigay daw siya ng pera na nagkakahalaga ng ₱5.3 billion ay imposible daw mangyari dahil wala silang mapagkunan ng ganitong halaga sa BARMM, ang totoo anya, kung minsan na pumupunta sila ng Malacañan ay sila pa ang binibigyan ng pera para pang-gasolina.

Marapat daw na huwag sabihin ng mga Tao ang mga ganoong paratang dahil maliit lamang ang Maguindanao del Norte para mawalan ng respesto sa Pangulong Marcos Jr., at kung gusto daw ng mga nagsasabi ng mga ganitong akusasyon upang maliwanagan ay handa silang tumugon sa korte.

Dagdag pa niya na nasa buwan pa naman ng Ramadhan, buwan ng pagpapatawad at pagkakaisa. At sinabi ni Allah sa banal na Qur’an na “Lahat ng mga Muslim ay magkakapatid”, kaya marapat daw sa atin na hindi dapat masira ang kapatiran o pagkakapatid ng dahil sa politika, posisyon, galit at maka mundong bagay. ### (Tu Alid Alfonso, BangsamoroToday, ulat kasama ang Shariff Kabunsuan College Work Immersion Student, Litrato kuha ng BMN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Macacua relates the journey of his appointment by Malacañan as Maguindanao del Norte governor
Next post Governor Macacua call for unity despite of various allegations on his appointment