Huwebes March 23, araw ng pag-umpisa ng Ramadhan sa BARMM, Pilipinas

Senior Minister Abdulraof A. Macacua, ay naki-isa sa moon-sighting sa pangunguna ng Bangsamoro Darul Ifta’, Martes ng gabi March 21, 2023 sa Timako Hill, Cotabato City.

COTABATO CITY (March 22, 2023) — Ang Banal na buwan ng Ramadhan ay magsisimula sa Huwebes, ika-23 ng Marso, ito ang inihayag ng Bangsamoro Darul Ifta’ sa pamamagitan ni Bangsamoro Deputy Mufti Abdulrauf Guialani nitong Martes ng gabi matapos makatanggap ng mga ulat mula sa mga moon-sighting committee sa buong Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM).


Ilan sa mga lugar na kasama sa moon-sighting ay ang Lungsod ng Cotabato sa bahagi ng Timako at PC Hill na gumamit pa ng teleskopyo, kabilang ang Tapian sa Datu Odin Sinsuat at Parang, Maguindanao del Norte, Special Geographic Area, mga Probinsya ng Lanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Metro Manila. 


Sinabi ni Guialani na ang buwan ay hindi nakita noong Martes ng gabi, na nagpapahiwatig na ang pag-aayuno para sa Banal na Buwan ng Ramadhan ay magsisimula sa Huwebes, Marso 23 at ang unang araw sa buwan ng Ramadhan sa Hijri 1444.


Ang Banal na buwan ng Islam ay nangangailangan ng espirituwal na pagmumuni-muni sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno, at pag-iwas sa makasalanang pag-uugali.


Ang Ramadhan ay ang ikasiyam na buwan ng Islamic calendar at sinusunod ng mga Muslim sa buong mundo bilang isang buwan ng pag-aayuno, pagdarasal, at pagmumuni-muni.


Ang mga Muslim sa panahon ng Ramadhan ay umiiwas sa pagkain, inumin, at iba pang pisikal na pangangailangan mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw. Ito rin ay panahon para sa disiplina sa sarili, espirituwal na pagmumuni-muni, at mga gawa ng pag-ibig sa kapwa.


Hinihikayat ng Darul Ifta’ ang lahat ng mga Muslim sa BARMM na ipagdiwang ang Ramadhan alinsunod sa mga turo ng Islam, at gamitin ang banal na buwan bilang isang pagkakataon upang palalimin ang kanilang pananampalataya, dagdagan ang kanilang mga gawa ng kawanggawa, at humingi ng kapatawaran mula sa Allah. ### (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato mula kay Mohammiden U. Menang/BMN)


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Stakeholders organize Ramadhan Festival Trade Fair 2023
Next post Kababaihan sa BARMM Special Geographic Area, nakinabang sa programang KALINGA