MOST pinangunahan ang panunumpa ng Mujahideen Assistance for Science Education grantees

182 Mujahideen Assistance for Science Education (MASE) grantees ang dumalo sa seremonya na nagmula sa Cotabato City, Maguindanao, at North Cotabato – Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


COTABATO CITY (March 9, 2023) – Pinangunahan ng Ministry of Science and Technology (MOST) sa pamumuno ni Minister Engr. Aida M. Silongan ang Mass Oath-Taking Ceremony and Awarding of Grants for the Second Batch of Mujahideen Assistance for Science Education (MASE) Program na ginanap sa Alnor Convention Center sa lungsod na ito, Miyerkules, ika-8 ng Marso.

Pinakalayunin ng MOST MASE Programa na suportahan ang anak ng mga mujahidden/mujahidat sa pagkuha ng kurso na science and technology ng kolehiyo at sa anumang antas ng kolehiyo.

Isang daan walungpo’t dalawang mga (182) MASE grantees ang dumalo sa nasabing programa na nagmula sa Cotabato City, Maguindanao, at North Cotabato – Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Minister Aida M. Silongan, “Alhamdullilah kadsukor kano Allaho ta’Allah. Inggan su importance su Mujahiden, pangangi kano sa mapya ka unga na kinan jihad, kinandulumasayan nu mga luk’s nu, so p’d na nangashaheed.”

Sinabi ng Ministro ng Edukasyon Mohagher M. Iqbal na malaking halaga ang inilaan para sa edukasyon na ikakaganda ng kinabukasan ng mga kabataan.

Nagpaabot din ng mensahe ang Punong Ministro ng Bangsamoo na si Ahod Balawag Ebrahim, “Every generation of the Bangsamoro has their own collective aspirations but binds the different generation is the shared desire for meaningful autonomy and self-determination for every generation (Ang bawat henerasyon ng Bangsamoro ay may kanya-kanyang mithiin, subalit ang nagbibigkis sa kanla ay ang adhikaing magkaroon ng makabuluhang pagkakasarinlan at sariling pagpapasya para sa lahat ng henerasyon).”

Kanya ring sinabi kung paano nila tinahak ang daan ng paghawak ng armas na umabot ng mga dekada at ito ay nagbigay naman ng daan sa henerasyon ng kabataan sa ngayon na kung saan ay naitatag ang bagong pamahalaan para sa Bangsamoro.

Ayon kay MP Abdullah Hashim, na anak ng namayapang unang pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Sheikh Salamat Hashim, “I promote natin yung peace process (usaping pangkapayapaan) ito yung gusto nating ma achieve (makamtan) yung kapayapaan, upang tayo ay makapag-aral ng mabuti, mapag-aralan natin yung ating relehiyon.”

Sinabi rin ni MP Hatimil E. Hassan na mula naman sa Moro National Liberation Front (MNLF) kung gaano kahalaga ang inisyatibo ni Minister Aida Silongan na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga mag-aaral na piniling tahakin ang siyensya at teknolohiya at maging sa iba’t ibang larangan makakatulong sa Bangsamoro. ### (Normina S. Dagem/BMN-USM BSIR Intern/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Relief International organizes RTD on Role of Women in Peace building
Next post Official Statement of LENTE on the passage of the Bangsamoro Electoral Code