BTA Bill No. 29 o Bangsamoro Electoral Code, aprubado na ng Bangsamoro Parliament

Chief Minister Ahod Ebrahim at Speaker Atty. Pangalian Balindong ang nanguna sa seremonya sa paglagda Bangsamoro Autonomy Act No. 35, o ang Bangsamoro Electoral Code of 2023 araw ng Miyerkules, March 8, 2023.

COTABATO CITY (March 9, 2023) – Aprubado na ang BTA Bill No. 29 o ang Bangsamoro Electoral Code (BEC) pagkatapos ng masusing deliberasyon, sa ikatlo at huling pagbasa ng Bangsamoro Parliament noong Miyerkules ng gabi, ika-8 ng Marso.


Sa nominal voting, 64 na miyembro ng parliamento ang bomoto ng “pabor” sa pagpasa ng BTA Parliament Bill No. 29 o “An Act providing for the Bangsamoro Civil Service Code of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao” habang walang bomoto ng “hindi pabor” at wala ding hindi bomoto o nag’ abstained sa nasabing bill.


Si Chief Minister Ahod Ebrahim at Speaker Atty. Pangalian Balindong ang nanguna sa seremonya sa paglagda Bangsamoro Autonomy Act No. 35, o ang Bangsamoro Electoral Code of 2023.


Matatandaan na ang BTA Bill No. 29 ay unang tinalakay sa Bangsamoro Parliament noong buwan ng Setyembre taong 2022 at isinangguni sa Committee on Rules.


At tuloy-tuloy na ginawa ang public consultations sa Manila, Maguindanao, Cotabato City, Basilan, Sulu, Tawi Tawi, Lanao del Sur and BARMM Special Geographic Area mula buwan wing Oktubre 2022 hanggang Enero 2023, para matiyak na lahat ng stakeholders ay kasama sa proseso sa gagawing panukalang batas.


Ang Bangsamoro Electoral Code ay nagnanais na matiyak na ang rehiyonal na halalan ay tapat, kapani-paniwala at makatarungan at higit sa malaya na isasagawa kasabay ng nasabing pambansang halalan o eleskyon na gaganapin sa 2025.


Sa ngayon, ang Bangsamoro Parliament ay nagpasa ng administrative, civil service, education, at electoral codes. ### (Radjamie A. Manggamanan/BMN-USM BSIR Intern, BangsamoroToday, Litrato mula sa LTAIS-PIPMRD)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post ‘Financial Assistance’ ni BARMM Chief Minister Ebrahim ibinigay sa indigent Mujahideens, Mujahidat at biktima ng Kalamidad
Next post Celebrating Women’s Month in Support to Gender Equality and Inclusive Society