Bangsamoro Parliament hiniling sa Korte Suprema na lumikha ng ‘committee on Shari’ah Bar integration’
COTABATO CITY (March 2, 2023) – Dalawang resolusyon ang pinagtibay ng Committee on Bangsamoro Justice System (CBJS) ng Bangsamoro Parliament na humihiling sa Korte Suprema ng Pilipinas na bumuo ng isang komite para sa Shari’ah Bar integration sa isinagawang plenary session nitong Huwebes ng umaga dito sa Lungsod.
Sinabi ni CBJS Chair Atty. Jose Lorena na ang resolusyong ito ay nagbibigay sa mga Shari’ah counselors ng pagkakataon na bumuo ng isang corporate body.
Pinagtibay din ng komite ang isa pang resolusyon na humihiling sa Korte Suprema na buhayin ang lahat ng umiiral na mga korte ng Shari’ah at punan ang mga bakanteng puwesto ng hukom.
Muling magpupulong ang komite sa Marso a Syete (7) para talakayin ang resolusyon na nag-uutos sa Committee on Public Order and Safety, na magsagawa ng parliamentary inquiry sa serye ng mga pagpatay at ang nakakaalarmang estado ng kaayusan at kaligtasan ng publiko sa Maguindanao at Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. ### (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday, Litrato mula sa BTA Parliament)