16th Academic and Sports Provincial Meet o Musabaka sa Camp Rajamuda ay pinangunahan ni Akmad “Commander Jack” Abas, Al-Haj. (Graphic design: BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-6 ng Enero, 2024) — Pinangunahan ni MILF-BIAF Eastern Mindananao Front Command Chief at Member of Parliament Akmad “Commander Jack” Abas, Al-Haj, ang pagbubukas ng tatlong araw na 16th Academic and Sports Provincial meet o Musabaka sa Camp Rajamuda, Pikit Special Geographic Area -BARMM, araw ng Biyernes.

Ang Musabaka, ay nilahokan ng ibat’-ibang Markadz Mahad mula sa mga sakop ng Ligawasan province mula sa MILF Committees ng Zone-1 hanggang Zone -7 (Banisilan North Cotabato) na hindi baba sa 1,000 ang mga paetisipante.

“Pidkanu kahanda kanu niya a Musabaka, na maka promote su mga katigilan nu mga kangudan a Bangsamoro kanu ingalan na dalmitan ataw sports na makaayon kanu kandalmit nu Islam, (Kasama sa layunin ng Musabaka ay ma promote ang kagalingan ng mga kabataaang Bangsamoro sa larangan ng sports na batay sa paglalaro na itunuro ng Islam),” paliwanag pa ni Commander Jack.

Ayon pa kay Commander Jack, kabilang ito sa mga hakbang na kanyang nakita upang maiangat ang kabataang Bangsamoro na may mga kaalaman maging ang sports.

Dagdag pa nito na ang Musabaka ay may mga medical team, ambulance na nakaabang kung sakaling may mga madisgrasya sa paglalaro upang madala agad sa Ospital.

Ayon pa sa ulat ng DXJC 92.1mhz Voice FM Cotabato na ang MILF-BIAF Eastern Mindanao Front Command ay malakas parin ang pagtutulungan sa ngalan ng Islam at Jihad Fissabilillah. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MOH makipag-sanib pwersa sa Muslim religious leaders upang mapahusay ang health literacy sa BARMM
Next post Magsasaka ng Maguindanao del Sur, binigyan ng MAFAR-BARMM ng proyekto