
JOLO, SULU (May 11, 2023) – Masayang nakipagpulong ang grupo ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal kay Sulu Governor Hon. Abdusakur Tan ngayong araw ng Huwebes, ika-11 ng Mayo 2023 sa kapitolyo ng Sulu, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay bahagi ng patuloy na programa at serbisyo ng ministeryo ng edukasyon sa bahaging ito ng lalawigan kung saan pumunta si Iqbal at ang kanyang mga Director Generals mula sa Basic Education, Higher Education, Technical Education, Madaris Education at Staff upang ihatid ang mga gamit na kailangan ng paaralan sa Jolo.
Sa pagpapatuloy ng programa ng MBHTE sa Jolo ay ibinigay din ang school equipment sa Mohammad Tulawie Central School, at ang turnover ng 1 unit, 2-storey and 10 classrooms school building sa Hadji Butu School of Arts and Trades (HBSAT) kasama ang Access to Higher Modern Education (AHME) scholarship grant na iginawad sa mga 504 kwalipikadong estudyante sa buong lalawigan ng Sulu at may kabuuang budget na 30.2M para sa AY 2022-2023 at 2023-2024 para ika-4 na cohort.

Sa hapon ay pumunta ang grupo ni Iqbal sa Sulu National High School upang saksihan ang paglagda ng kontrata ng 660 ISAL teachers sa buong lalawigan ng Sulu kasabay ng pamimigay ng Teachers kit at iba pang gamit sa paaralan.
Bago pa man tumungo ang grupo ni Minister Iqbal sa mga paaralan sa Jolo ay nakipagkita din sya sa Division Schools Superintendent Dr Hadji Kiram Irilis at tingnan ang kalagayan ng halos malapit ng matapos na School Division Office Building mula sa MBHTE-BARMM.
Samantala, araw ng Miyerkules , sumakay ang grupo ng Education Minister ng speedboat mula sa Zambonga City at mismong dinaluhan ang programa sa Tongkil National High School sa munisipyo ng Banguingui, Sulu upang ihatid ang IT equipment at school supplies, pagbigay ng training support funds at distribution of solar kits, awarding ng NC II certificates, paglagda ng kontrata ng ISAL teachers at iba pang pangangailangan sa edukasyon.
Manit na sinlubong si Minister Iqbal ni Mayor Hon. Whidzfar “Nikee” Sahidulla kasama ang kanyang tatay, mga guro, estudyante, at ang kanilang mga magulang. (Tu Alid Alfonso/BMN/BangsamoroToday)
More Stories
BARMM Education Minister Iqbal nagpasalamat sa tumulong sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 26, 2023) – Nagpasalamat ang Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa lahat...
MBHTE Schools Division Superintendents ‘Excited’ na maiuwi ang Kampeonato sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 24, 2023) – ‘Excited’ na ang labing-isang (11) Schools Division Superintendents ng Ministry of Basic, Higher and...
BARMMAA Meet 2023 Medical Team holds Convergence Meeting
COTABATO CITY (May 24, 2023) – In preparation for BARMMAA Meet 2023 tomorrow, the Medical Team has convened today, May...
Peace stakeholders help settle land conflict in Midsayap
MIDSAYAP, COTABATO (May 21, 2023) – A conflict over a parcel of land at Sitio Basak, Barangay Tugal, Midsayap, North...
AKAP-Bangsamoro gives hope: A story of passionate teacher in far-flung community of Lamitan
Teachers prove that they are modern-day heroes as some of them go above and beyond just to teach their students....
Philippines: DJF and ICRC help a mother regain her footing
Josie and her granddaughter spend quality time in front of her sari-sari store in Lutayan, Sultan Kudarat. Photo: B. SULTAN/ICRC “I want...