
COTABATO CITY (April 27, 2023) — Kalagayan ng 237 apektadong empleyado ng defunct Maguindanao province ang pangunahiing idinulog ng nasa 180 na dumalo sa consultative meeting na pinanagunahan ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) Minister Atty. Naguib G. Sinarimbo, na ginanap kahapon sa Shariff Kabunsuan Cultural Center (SKCC), Bangsamoro Government Center, Cotabato City, April 26, 2023.
Sinabi ni Atty. Sinarimbo sa panayam, “Ang pangunahing concern nila ay kung ano na ba ang mangyayari sa kanila o status, pangalawa papaano yung sweldo nila.”
Sinagot naman ni Atty. Sinarimbo ang mga katanungan ng mga empleyado na kakailanganin na ayusin ang mga problema ng mga empleyado maging sa practical na problema ay yun ang kanilang bibigyan ng solusyon.
Tungkol naman kung saan ba pwedeng mag opisina ang mga empleyado, sagot ni Atty. Sinarimbo, “Hindi pa natin nire-resolve yung issues kung saan pwedeng mag opisina, kasi kailangan bumalik tayo kung saan ang item nila, saan yung place of employment nila, ita’ track muna natin yun bago natin i decide kung saan yung appropriate na mapuntahan nila.”
Dagdag pa niya, “Ang pinaka basic na kailangan natin ma’ create yung structure item plantilla for Maguindanao Del Norte at doon tayo mag start ng pag-address noong concerns about employment transfer at iba pang processes.”
Nakipag-ugnayan naman ang panig ni Atty. Sinarimbo sa Malacañang sa issue at concern ng mga empleyado tungkol sa kanilang sahod kung ano ang isu-support ng BARMM sa kanila.
Sinabi ni Atty. Sinarimbo na hindi anya matantya kung gaano kabilis ang proseso bagamat ang mahalaga ay nakaabot na sa Malacañang ang isyu at ang mga proseso na kaylangan gawin. “In the meantime, nagsimula na tayong mag assist sa kanila, nagbigay din ng relief assistance sa mga empleyado.” (Mikie A. Mamacan at Usop M. Manggamanan, BMN-USM BSIR Intern, Litrato kuha ng BMN)
More Stories
BARMM Education Minister Iqbal nagpasalamat sa tumulong sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 26, 2023) – Nagpasalamat ang Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa lahat...
MBHTE Schools Division Superintendents ‘Excited’ na maiuwi ang Kampeonato sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 24, 2023) – ‘Excited’ na ang labing-isang (11) Schools Division Superintendents ng Ministry of Basic, Higher and...
BARMMAA Meet 2023 Medical Team holds Convergence Meeting
COTABATO CITY (May 24, 2023) – In preparation for BARMMAA Meet 2023 tomorrow, the Medical Team has convened today, May...
Peace stakeholders help settle land conflict in Midsayap
MIDSAYAP, COTABATO (May 21, 2023) – A conflict over a parcel of land at Sitio Basak, Barangay Tugal, Midsayap, North...
BARMM MBHTE Minister Iqbal naghatid ng proyekto sa Sulu
BARMM Education Minister Mohagher Iqbal kasama si Sulu Governor Hon. Abdusakur Tan na mahigpit na nakipagkamayan sa isat' isa bilang...
Philippines: DJF and ICRC help a mother regain her footing
Josie and her granddaughter spend quality time in front of her sari-sari store in Lutayan, Sultan Kudarat. Photo: B. SULTAN/ICRC “I want...