
COTABATO CITY (April 16, 2023) — Bilang bahagi ng Ramadhan Festival 2023, ang Muslim Chamber of Commerce and Industry of Kutawato, Inc. (MCCIKI), sa pakikipagtulungan ng Innovative Learing Management Operation, Inc. (ILMO, Inc.), 8Z Properties Building Rental, at Jamiat Cotabato’s Supreme Student Council, ay uumpisahang isagawa ngayong araw ika-16 sa buwan ng Abril ang Grand Finals pagsapit ng 8:30 ng gabi para sa Azan at dalawang kategorya ng Qur’an Memorization competition sa Masjid Maimona ng 8Z Building Old Barter Tourism Complex, Gov. Gutierrez, dito sa Lungsod.
Kabilang sa nagtataguyod ng kompetisyon ang Shu’unul Qur’an sa pangunguna ng Chairman of Sub- Committee on Noble Qur’an Affairs Bandar Kutawatu Ustadh Abdulnasser Shuaib at ng Head Competition Supervisor Committee on Noble Qur’an Affairs na si Sheikh Salahuddin Ahmad Lantong.
Ang programa ay naglalayong mahasa at magbigay inspirasyon sa mga kabataang Bangsamoro sa larangan ng Azan (Muslim call to prayer) at maisulong ang kahalagahan ng pagbabasa ng Qur’an sa rehiyon ng Bangsamoro.
Ngayong gabi ng Linggo ay isasagawa ang Azan Competition habang ang Qur’an Memorization Category 1 ay gaganapin sa April 17 at ang Qur’an Memorization Category 2 naman ay sa April 18.
Ang kompetisyon sa Qur’an Memorization ay may dalawang kategorya: Qur’an Memorization Category 1 (2 Juzz) at Qur’an Memorization Category 2 (7 Juzz).
Ang mga kalahok ay mula sa iba’t ibang Maraakidz na kinabibilangan ng Markadz An-Nawawie, Markadz Wihda, Markadz Ginakit, Markadz Ali Azza, Markadz Imam Al- Bukharie, Markadz Abdulaziz, Accademy Sheikh Ezza, Markadz Omar, Markadz Bangsamoro Litahfidhil Qur’an, Markadz Abdullah Bin Mas-oud, Halaqaat ISAL in Sero Central School, Markadz Arrahiem, Markadz Abul Maqari, Markadz Subiyah and Markadz Ummo Khultum.
Samantala ayon sa nag-organisa ng naturang programa, ito ay bukas sa lahat ng nais pumunta at inaasahan din ang pagdagsa ng mga taga suporta ng bawat kalahok. ### (Bai Zuhana G. Madidis, BMN/Voice Fm Cotabato/BangsamoroToday)
More Stories
BARMM Education Minister Iqbal nagpasalamat sa tumulong sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 26, 2023) – Nagpasalamat ang Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa lahat...
MBHTE Schools Division Superintendents ‘Excited’ na maiuwi ang Kampeonato sa BARMMAA Meet 2023
COTABATO CITY (May 24, 2023) – ‘Excited’ na ang labing-isang (11) Schools Division Superintendents ng Ministry of Basic, Higher and...
BARMMAA Meet 2023 Medical Team holds Convergence Meeting
COTABATO CITY (May 24, 2023) – In preparation for BARMMAA Meet 2023 tomorrow, the Medical Team has convened today, May...
Peace stakeholders help settle land conflict in Midsayap
MIDSAYAP, COTABATO (May 21, 2023) – A conflict over a parcel of land at Sitio Basak, Barangay Tugal, Midsayap, North...
BARMM MBHTE Minister Iqbal naghatid ng proyekto sa Sulu
BARMM Education Minister Mohagher Iqbal kasama si Sulu Governor Hon. Abdusakur Tan na mahigpit na nakipagkamayan sa isat' isa bilang...
Philippines: DJF and ICRC help a mother regain her footing
Josie and her granddaughter spend quality time in front of her sari-sari store in Lutayan, Sultan Kudarat. Photo: B. SULTAN/ICRC “I want...