
COTABATO CITY (April 4, 2023) – Patuloy na nagsasagawa ng price monitoring sa mga merkado sa buong Bangsamoro region ang Ministry of Trade, Investment and Tourism (MTIT) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang matiyak ang matatag na presyo ng mga bilihin sa panahon ng Ramadhan.
Ito ang ibinunyag ni Hamida Ebus Yacob, Chief of Trade Regulation and Consumer Protection, na ang MTIT ay nagsagawa ng regular na pagsubaybay, kasunod ng Memorandum Order No. 109, Series of 2023 na inisyu ni MTIT Minister Abuamri Taddik, upang matiyak na susundin ng mga may-ari ng negosyo ang mga tagubilin ibinigay ng opisina hinggil sa antas ng presyo ng mga pangunahing kinakailangang produkto ng taombayan.
Sinabi ni Yacob na naagsasagawa ang MTIT ng weekly monitoring dahil sinisiguro ng tanggapan na walang mang-aabuso sa mga business owner na magtaas ng mga presyo ng kanilang panindang produkto upang makatulong sa mamamayang Bangsamoro, lalo na ngayong buwan ng Ramadhan.
Dagdag pa niya, na may mga piling produkto na bahagyang tumaas sa kanilang mga presyo, “Wala namang gaanong tumaas ang mga ilan sa mga commodities, however there are some products na nag-increase nationwide at hindi gaano kalakihan ang pagtaas nito at patuloy kaming naka-monitor po.”
Kabilang sa mga pangunahing kailagan ng mamimili ang bigas, mga delata, instant noodles, di-boteng tubig, tinapay, gatas, kape, kandila, sabon sa paglalaba, detergent, asin, sibuyas, frozen na manok, itlog, harina, mantika, at marami pang produkto.
Samantala, pinaalalahanan ni Ministro Taddik ang mga negosyante at mga mangangalakal na huwag samantalahin ang sitwasyon kung saan tumaas ang pangangailangan para sa pangunahing pagkain.
sapagkat naghihirap naman anya ang mga karaniwang tao dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kaya naman, tiniyak ng Ministri na epektibong matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente at bisita ng BARMM.
Alinsunod dito, naghihirap ang mga karaniwang tao dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kaya naman, tiniyak ng Ministry na epektibong matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente at mga bisita ng Bangsamoro region.
Ang aksyon ng MTIT ay naglalayong mabigyan ang publiko ng makatwirang presyo ng Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs), kabilang ang pagsubaybay sa daloy ng mga bilihin sa buwan ng Ramadhan. ### (Radjamie A. Manggamanan/BMN-USM BSIR Interns/BangsamoroToday, Litrato ni Tu Alid Alfonso/BMN)
More Stories
Chief Minister Ebrahim graces the State of Bangsamoro Women Address
Bainon G. Karon, Chairperson of BWC during the State of Bangsamoro Women Address held at SKCC, BGC, Cotabato City on...
BARMM Chief Minister Ebrahim awards KAPYANAN 150-unit housing project in Maguindanao del Norte
BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim together with KAPYANAN staff and Local Government Unit Officials in Maguindanao del Norte. (Photo...
ICRC teams begin multi-day operation to reunite hostages and detainees with their families cum deliver assistance
ICRC facilitate the release and transfer of hostages held in Gaza and of Palestinian detainees to the West Bank. (Screenshot...
MP Atty. Arnado implements series of development programs for the Bangsamoro
Presentation of the signed Memorandum of Agreement (MOA) between and among MP Atty. Arnado's office and partners in BARMM. (Photo...
BARMM government builds 180 Million Pesos Kabuntalan-Pahamudin Bridge
Ground breaking ceremony of the PhP180 Million Kabuntalan-Pahamudin Bridge at Maguindanao del Norte. (Photo courtesy of Province of Maguindanao del...
STATEMENT OF MINISTER MOHAGHER M. IQBAL, CHAIRMAN OF THE MILF PEACE IMPLEMENTING PANEL ON THE ISSUANCE OF PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO. 405 GRANTING AMNESTY TO THE MILF MEMBERS
Minister Mohagher M. Iqbal. (BMN/BangsamoroToday File Photo) STATEMENT OF MINISTER MOHAGHER M. IQBAL, CHAIRMAN OF THE MILF PEACE IMPLEMENTING PANEL...