
COTABATO CITY (March 22, 2023) – Mahigit 500 mahihirap na kababaihan sa Midsayap Cluster 1 ng Special Geographic Area (SGA) ng BARMM ang nakinabang noong Lunes, ika-20 ng Marso, mula sa programang Kababaihan Ligtas Ngayon (KALINGA) ng Bangsamoro Women Commission (BWC).
Ang mga buntis na kababaihan, solong magulang, at mga senior citizen ay kabilang sa mga benepisyaryo na nakatanggap ng mga rice pack at groceries, at mga non-food item tulad ng hijab at hygiene kit.
Pinangunahan ni BWC Chairperson Bainon Karon ang pamamahagi na may suporta mula sa Ministry of Social Service and Development (MSSD) at Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (BARMM READi) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kababaihan ngayong taon na may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society”.
Nakipag-usap din ang Komisyon sa mga kababaihan para malaman ang kanilang mga isyu pangangailangan nang sa gayun ay mabigyan ito ng pansin.
“Ang mensahe natin sa mga kababaihan ay mas paigtingin at palakasin pa nila ang kanilang mga organisasyon sa kani-kanilang lugar, nang sa gayun makapagbigay tayo sa kanila ng kanilang mga pangangailangan,” sinabi ni Karon.
Si Karon, na dating Miyembro ng Parliament (MP), ay nagsagawa rin ng isang medical outreach program sa pamamagitan ng kanyang 2022 na badyet bilang isang MP. Nagsagawa din ang kanyang tanggapan ng mga medikal na konsultasyon at namahagi ng mga gamot at hygiene kit. Ang mga libreng serbisyo sa gupit at bloodletting activity ay isinagawa din para sa ilang lalaki. #### (Nhor A. Adam/BMN-USM/Intern, Litrato mula sa BWC-BARMM)
More Stories
Chief Minister Ebrahim graces the State of Bangsamoro Women Address
Bainon G. Karon, Chairperson of BWC during the State of Bangsamoro Women Address held at SKCC, BGC, Cotabato City on...
BARMM Chief Minister Ebrahim awards KAPYANAN 150-unit housing project in Maguindanao del Norte
BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim together with KAPYANAN staff and Local Government Unit Officials in Maguindanao del Norte. (Photo...
ICRC teams begin multi-day operation to reunite hostages and detainees with their families cum deliver assistance
ICRC facilitate the release and transfer of hostages held in Gaza and of Palestinian detainees to the West Bank. (Screenshot...
MP Atty. Arnado implements series of development programs for the Bangsamoro
Presentation of the signed Memorandum of Agreement (MOA) between and among MP Atty. Arnado's office and partners in BARMM. (Photo...
BARMM government builds 180 Million Pesos Kabuntalan-Pahamudin Bridge
Ground breaking ceremony of the PhP180 Million Kabuntalan-Pahamudin Bridge at Maguindanao del Norte. (Photo courtesy of Province of Maguindanao del...
STATEMENT OF MINISTER MOHAGHER M. IQBAL, CHAIRMAN OF THE MILF PEACE IMPLEMENTING PANEL ON THE ISSUANCE OF PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO. 405 GRANTING AMNESTY TO THE MILF MEMBERS
Minister Mohagher M. Iqbal. (BMN/BangsamoroToday File Photo) STATEMENT OF MINISTER MOHAGHER M. IQBAL, CHAIRMAN OF THE MILF PEACE IMPLEMENTING PANEL...