
COTABATO CITY (February 20, 2023) – Lumagda ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng BARMM sa pamumuno ni Minister Mohagher M. Iqbal at Cotabato State University (CSU) sa pangunguna ni Dr Sema G. Dilna ang Presidente ng CSU ng Memorandum of Agreement (MoA) nitong Lunes, February 20, 2023 na ginanap sa Em Manor Convention Center dito sa lungsod ng Cotabato.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit 7,370,410.00 Milyung piso na gagamitin sa pagkumpuni at pagsasaayos ng sports ground ng CSU. Kabilang na aayusin ay ang grandstand, court canal granting, track and filed, swimming pool, comfort rooms, at fences.
Ang layunin ng nasabing rehabilitasyon ay upang mapagbuti ang mga pasilidad sa palakasan, na dapat magsilbing lugar para sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao Athletic Association (BARMMAA) na nakakatugon, pagsasanay ng mga coach at mag-aaral-atleta ng BARMM sa kanilang mga aktibidad sa palakasan, at iba pang mga kaugnay na aktibidad ng MBHTE at BARMM government.
Ipinahayag ni Iqbal ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa pangako ng CSU na magtrabaho kasama ang MBHTE upang mapagbuti ang mga serbisyong pang-edukasyon sa rehiyon, lalo na sa gitna ng lungsod na ito.
Lubus naman ang pasasalamat ng CSU President Dilna sa ikalawang tulong pinansyal ng MBHTE, una rito ang pagpapatayo ng dormitoryo ng mga mag-aaral ng paaralan at ang proyektong ito. (Tu Alid Alfonso/BangsamoroToday/BMN)
More Stories
Trabaho sa BARMM Ramadhan Iskedyul, 7:30AM-3:30PM sa empleyadong nag-aayuno
Members of Bangsamoro Parliament Atty. Mary Ann Arnado (left) and Architect Eduard Guerra (right) during the BTA session. COTABATO CITY...
Huwebes March 23, araw ng pag-umpisa ng Ramadhan sa BARMM, Pilipinas
Senior Minister Abdulraof A. Macacua, ay naki-isa sa moon-sighting sa pangunguna ng Bangsamoro Darul Ifta’, Martes ng gabi March 21,...
UNYPAD-Cotabato City Chapter, naglunsad ng Piso Donation Drive for Ramadhan
COTABATO CITY (March 21, 2023) – Naglunsad ang United Youth for Peace and Development (UNYPAD)-Cotabato City Chapter ng Piso Donation...
Estudyante, empleyado nagpasiklaban sa MPOS Tagisan ng Talino
COTABATO CITY (March 18, 2023) — Mga estudyante at ilang empleyado ng Bangsamoro Government ang nagtagisan ng talino sa Quiz...
Philippine Airlines nag-remit ng halos P1-M sa BARMM mula sa nakolektang DPSC
Awang Airport, DOS, Maguindanao del Norte, BARMM COTABATO CITY (March 15, 2023) — Ipinadala ng Philippine Airlines (PAL) noong Marso...
MOST pinangunahan ang panunumpa ng Mujahideen Assistance for Science Education grantees
182 Mujahideen Assistance for Science Education (MASE) grantees ang dumalo sa seremonya na nagmula sa Cotabato City, Maguindanao, at North...