MSSD, Binigyan ng Tulong ang Pamilyang Nasunugan sa Malabang, LDS

(Litrato mula sa MSSD)

COTABATO CITY (Ika-17 ng Hulyo, 2025) — Namigay ng Tulong ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa kabuuang 227 na pamilyang naapektuhan ng sunog sa mga Barangay Tiongcop at Calumbog sa Malabang, Lanao del Sur, noong Hulyo 8, sa isinagawang pamamahagi sa Barangay Mable.

Sa pahayag ng MSSD, ang bawat pamilya ay nakatanggap ng 25 kilo ng bigas, family food packs, hygiene kits, dignity kits, lalagyan ng tubig na may kasamang purification tablets, sleeping kits, trapal, at mga gamit sa pagluluto bilang tugon sa kanilang agarang pangangailangan matapos masunugan.

“Sa mga apektadong kabahayan, 18 ang ganap na naabo, habang 15 naman ang bahagyang nasira”, batay sa datus ng MSSD.

Sinabi ng MSSD na ito ay bahagi ng patuloy na Emergency Relief Assistance (ERA) program ng ministry na naglalayong maghatid ng mabilis at angkop na tulong sa mga pamilyang Bangsamoro na naapektuhan ng mga sakuna at krisis. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Senator Pangilinan nakipagpulong kay dating BARMM Chief Minister Ebrahim, UBJP VP for Central Mindanao Iqbal, sa Pagpapaigting ng Suporta sa Agrikuktura at Pangisdaan sa BARMM, Mindanao