KAPYANAN, Ipinagkaloob na ang 50 Housing Units sa Kapuspalad na Pamilya sa bayan ng Mangudadatu, MDS, BARMM

(Litrato mula sa Bangsamoro government / BIO)

COTABATO CITY (Ika-5 ng Hulyo, 2025) — Sa pamamagitan ng Office of the Chief Minister’s (OCM) flagship Kapayapaan sa Pamayanan (KAPYANAN) program, ay ipinagkaloob na ang limampung (50) housing units sa marginalized sectors, kabilang ang mga pamilya ng mga dating combatant sa Barangay Kalian, Mangudadatu, Maguindanao del Sur noong Huwebes, Hulyo 3.

Bawat unit, na nagkakahalaga ng PhP680,000, ay may sukat na 42 square meters, na may tatlong silid-tulugan, kusina, dining area, banyo, at solar-powered light at water system.

Ang turnover ceremony ay pinangunahan nina KAPYANAN Project Manager Abdullah Cusain at Mangudadatu Mayor Fiedder Owen Mangudadatu.

Sa post ng Bangsamoro government sa website nito, sinabi ni Cusain na ang inisyatiba ay naaayon sa direktiba ng Punong Ministro na si Abdulraof Macacua na kumpletuhin ang lahat ng kasalukuyang proyekto sa imprastraktura ng mga ministri, ahensya, at tanggapan ng rehiyon.

Ayon kay Cusain layunin ng programang KAPYANAN na makapagbigay ng mga disenteng bahay sa mga piling komunidad batay sa ilang pamantayan, at karamihan sa mga residente dito sa Barangay Kalian ay nahihirapan sa buhay, “The purpose of the KAPYANAN program is to provide decent houses to selected communities based on certain criteria, and the majority of the residents here in Barangay Kalian is having a hard time in life.

(Litrato mula sa Bangsamoro government / BIO)

Inaasahan din anila na ang mga benepisyaryo ng pabahay ay ang mag-aalaga sa mga housing units na kanilang natanggap sa Bangsamoro government.

Dagdag sa ulat, kabilang sa mga nakatanggap ay si Teng Motalib, isang 56-anyos na mangingisda na may tatlong anak, na nagpahayag ng lubos na pasasalamat sa Bangsamoro government dahil kaylan man ay walang kakayahan na sila ay makakagawa ng buong bahay nang mag-isa kahit sa buong buhay nila.

“Niyabay masla sa kapedsukor nami na inanggan kami sa wala a dala naliduwan nami lon, ka apya kami man guna matay na di kami makagaga embalay sa mayaba e buntal nin,” sabi ni Motalib.

Ang isa pang benepisyaryo, si Baidido Sumapal, 49, isang maybahay, ay nagpasalamat din sa gobyerno sa suporta nito sa mga komunidad na kulang sa serbisyo sa lalawigan.

Sinabi din ni Cusain na babantayan ng KAPYANAN governance unit ang kalagayan ng mga housing units at ang kapakanan ng mga benepisyaryo.

Bilang isa sa mga flagship program ng Office of the Chief Minister (OCM), ang KAPYANAN ay nakatuon sa pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng pinakamahihirap na pamilya sa BARMM sa pamamagitan ng pag-access sa disente at marangal na tirahan. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post AFP Participates in Bangsamoro Human Rights Commission’s Human Rights Education Session on IHL in Lanao