
5 BARMM Governors, Inendorso ang inclusive redistricting framework sa ginawang pulong ng BTA sa Pasig City

COTABATO CITY (Ika-4 ng Hulyo, 2025) — Nagkaisa ang lahat ng limang gobernador ng probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa isang pinag-isang suporta para sa patas at inklusibong representasyon habang naghahanda ang Parliament na tapusin ang muling pagdidistrito ng 32 parliamentary district nito bago ang unang regular na halalan sa rehiyon sa Oktubre 2025, sa isang pulong na isinagawa sa 4th regular session ng Bangsamoro Parliament sa lungsod ng Pasig nitong Huwebes.
Malugod na tinanggap ni BARMM Chief Minister na si Abdullraof Macacua ang nagkakaisang paninindigan ng mga gobernador at binigyang-diin na ang pagbabago ng distrito ay dapat unahin ang pagkakaisa at tunay na representasyon kaysa sa personal na interes.
Nangako rin si Macacua na tiyakin ang legal na katumpakan ng batas.
“Isipin natin ang Bangsamoro. We must resolve this as one Bangsamoro. What matters is what’s best for the Bangsamoro,” anya pa.
Ang panukalang pagbabago sa distrito, isa sa pinakamahalagang gawaing pambatas sa kabataang kasaysayan ng BARMM, ay tukuyin kung paano ilalaan ang 80 pwesto sa Bangsamoro Parliament.
Sa mga ito, 32 ang ihahalal sa pamamagitan ng mga distritong parlyamentaryo, 40 bilang mga kinatawan ng partido, at walo bilang mga kinatawan ng sektor. Ang resulta ay pormal na ililipat ang rehiyon mula sa isang pansamantalang pamahalaan tungo sa isang ganap na nahalal na sistemang parlamentaryo
Sa press release ng LTAIS-Public Information, Publication, and Media Relations Division, ang pampublikong pagdinig na ginanap sa Pasig ay ang huling round ng mga konsultasyon sa dalawang iminungkahing muling pagdistrito ng mga panukalang batas, ang Parliament Bill No. 351 at 347. Parehong nagmumungkahi ng iba’t ibang mga pagsasaayos ng alokasyon ng distrito, partikular para sa limang lalawigan ng rehiyon at ang Special Geographic Area (SGA).
Ang Parliament Bill No. 351, isang Government of the Day bill, ay nagmumungkahi ng pamamahagi ng siyam (9) na distrito para sa Lanao del Sur; tig-lima (5) para sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur; tig-apat (4) para sa Basilan at Tawi-Tawi; tatlo (3) para sa Cotabato City; at dalawa (2) para sa SGA.
Ang Parliament Bill No. 347, isang private member bill, ay nagmumungkahi ng katulad na istraktura, na may isang karagdagang distrito para sa Lanao del Sur (10 sa kabuuan) at isa para sa SGA.
Binigyang-diin ng mga gobernador mula sa mainland at island ang kahalagahan ng pagtiyak ng pantay na representasyon batay sa paglaki ng populasyon at pagkakaiba-iba ng heograpiya.
Muling iginiit ni Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Adiong Jr., na may pinakamalaking populasyon sa rehiyon na 1.9 milyon ang lalawigan, sa siyam na distrito.
Mula sa mga isla na probinsya, hinimok ni Basilan Governor Mujiv Hataman at Tawi-Tawi Governor Yshmael “Mang” Sali ang Parliament na tiyaking hindi maiiwan ang mga island provinces sa proseso ng pagbabago ng distrito.
Binigyang-diin ni Hataman ang pangangailangang iparamdam sa mga tao sa mga island na bahagi sila ng isang Bangsamoro.
“We must be part of one Bangsamoro,” Hataman asserted. “Our representation should reflect the true diversity and geography of our region,” punto nito.
“Beyond figures, this is about ensuring no one in the Bangsamoro ever feels small or excluded. We must recognize the aspirations of minorities and bring the Parliament closer to the people,” wika ni Hataman.
Nanawagan si Governor Sali na magdagdag ng hindi bababa sa isang bagong distrito sa kanyang lalawigan, na binanggit ang inaasahang paglaki ng populasyon batay sa paparating na 2025 Philippine Statistics Authority (PSA) census, na aniya ay maaaring umabot sa mahigit 500,000.
Sinuportahan din nina Gobernador Datu Tucao Mastura ng Maguindanao del Norte at Datu Ali Midtimbang ng Maguindanao del Sur ang patas na redistricting, na binigyang diin ang patas na paglalaan ng mga distrito ay makakatulong sa oportunidad sa pag-unlad nang pantay-pantay sa buong BARMM.
Hinimok din ng mga gobernador ang Parliament na isaalang-alang ang potensyal na muling pagsasama ng lalawigan ng Sulu sa rehiyon.
Ang mga resulta ng census ng 2025 PSA ay magiging pangunahing sanggunian para sa mga alokasyon ng distrito, pagkumpirma ni CLG Chair Naguib Sinarimbo. Sinabi niya na ang komite ay nakikipagtulungan nang malapit sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang makakuha ng sertipikadong data ng populasyon at mga projection.
“If we must exert extra effort to support this bill with solid legal backing, we will,” Sinarimbo said. “We’ve received a commitment from the PSA to assist in validating projections if official census results are delayed,” ayon kay Sinarimbo.
Samantala, inilarawan ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Assistant Secretary Jordan Bayam ang proseso ng pagbabago ng distrito bilang isang makasaysayang milestone na nag-ugat sa kasunduang pangkapayapaan na nagtatag sa BARMM.
“This is a crucial task. The configuration we decide on now will define the parliamentary landscape of BARMM for years to come,” aniya. “The process, all of this is rooted in the peace agreement. We must not railroad this process. This is the trajectory of BARMM,” dagdag ni Bayam.
Sinabi naman ni Amendments Committee Chair Fahanie Uy-Oyod na ang dalawang komite ay nakatakdang simulan ang panloob na deliberasyon ngayong weekend at inaasahang tatapusin ang kanilang ulat para sa plenaryo deliberasyon. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)