
MOST, Kaisa sa Pagpapaunlad ng mga People’s Organizations sa Bangsamoro

COTABATO CITY (Ika-2 ng Hunyo, 2025) — Buong suporta ang ipinakita ng Ministry of Science and Technology (MOST) sa Bangsamoro People’s Organizations Convention na ginanap sa Mall of Alnor, Cotabato City, sa temang “Hopes Beyond the Bangsamoro Transition” noong Hunyo 25.
Sa pangunguna ni Monawara M. Abdulbadie, LPT, Chief Science Research Specialist at Head ng S\&T Services Division, nakiisa ang MOST sa makabuluhang pagtitipon kasama ang iba pang ahensya gaya ng Ministry of Trade, Investments and Tourism, Bangsamoro Planning and Development Authority, Cooperative and Social Enterprise Development Office, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, Joint Task Force on Campus Transformation, Cotabato City LGU
SUBATRA Justice and Society Project
Layunin nito na ipakita ang mga lokal na produkto mula sa iba’t ibang People’s Organizations (POs) sa loob at labas ng Bangsamoro. Ang mga produktong ito ay simbolo ng pag-asa ng mga mamamayan sa panibagong yugto ng pamahalaan sa rehiyon.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Chief Abdulbadie ang patuloy na suporta ng MOST sa mga PO, lalo na sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay at teknikal na tulong. Kabilang dito ang Pagsasanay sa product development
Food safety at halal awareness, Tulong para makuha ang mga kinakailangang sertipikasyon tulad ng LTO-FDA at Halal Certification
“Ang mga tulong na ito ay mahalaga upang maging handa ang mga POs sa pagsunod sa mga pamantayan ng merkado at gobyerno. Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas pa natin ang kalidad at kumpetisyon ng mga produktong Bangsamoro,” ani Abdulbadie.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang ilang benepisyaryo mula sa Sulu
“Sa tulong ng proyekto at ng BARMM, nakatanggap kami ng ganitong klaseng tulong. Kami ay ulila na sa ina, pero dahil sa programang ito, naramdaman namin na hindi kami nag-iisa.”
Itinampok sa nasabing event ang mga produkto na sumasalamin sa kultura, kasipagan, at pag-asa ng Bangsamoro—mga produktong handang lumaban sa lokal at internasyonal na merkado. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)