Palarong Pambansa 2025, Pormal na Binuksan sa Ilocos Norte

(Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamotoToday)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Mayo, 2025)—Pormal nang binuksan ang Palarong Pambansa 2025 sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Ilocos Norte noong ika-24 ng Mayo. Ito ang pinakamalaking pambansang paligsahan sa isports para sa mga estudyante sa buong bansa.

Mainit na sinalubong ng Ilocos Norte ang libu-libong delegado mula sa 19 na athletic associations, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association (BARMMAA).

Bumida sa makulay na opening ceremony ang kultura at tradisyon ng mga Ilocano. Ipinakita rito ang mayamang kasaysayan ng rehiyon sa pamamagitan ng mga sayaw at pagtatanghal.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagbubukas ng palaro at nagbigay siya ng inspirasyonal na mensahe para sa mga atletang kabataan.

Ayon sa Pangulo, “Higit sa pagkapanalo, mas mahalagang matutunan ang disiplina, ang halaga ng pakikipagkaibigan, at ang mag-enjoy sa inyong paboritong sport—manalo man o matalo. Losers are those who fail to try. Winners are those who try, maybe fail, but try again. Don’t stop trying until you win and succeed.”

Dumalo rin sa seremonya sina Department of Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, Ilocos Norte Governor Matthew J. Marcos-Manotoc, Congressman Sandro Marcos ng unang distrito ng Ilocos Norte, at Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.

Naroon rin si Minister Mohagher Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) bilang suporta sa mga atletang mula sa Bangsamoro. Tatagal ang Palarong Pambansa 2025 hanggang ika-31 ng Mayo. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Eight Years Since the Marawi Conflict: Unresolved Issues of Displacement and Missing Persons Hindering Lasting Peace
Next post 258 Mahihirap na Pamilya sa Kapalawan, SGA, Tumanggap ng Emergency Shelter Assistance