Konsultasyong Pampubliko at Presentasyon ng Draft IRR ng Bangsamoro Indigenous Peoples Act of 2024 Isinagawa sa Cotabato City

(Litrato mula sa MIPA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-22 ng Mayo, 2025) —Isinagawa ang Public Consultation cum Presentation ng Draft Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Bangsamoro Autonomy Act (BAA) No. 64 o mas kilala bilang Bangsamoro Indigenous Peoples Act of 2024 (BIPA) noong ika-20 hanggang ika-21 ng Mayo sa Pagana Hotel and Restaurant dito sa Lungsod. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Ministry of Indigenous Peoples Affairs (MIPA) sa pakikipagtulungan ng UNDP, Prosper Bangsamoro, Peacebuilding Fund, at Australian Aid.

Dumalo sa konsultasyon ang mga kinatawan mula sa mga katutubong grupo tulad ng Dulangan Manobo, Teduray, Lambangian, Arumanen Ne Menuvu, Higaoonon, Yakan, Sama, pati na rin ang iba’t ibang ahensya ng BARMM at mga Civil Society Organizations (CSOs).

Ayon sa MIPA, ang konsultasyong ito ay upang masiguro ang inklusibidad at representasyon ng mga katutubo, itaguyod ang transparency at accountability, at paghusayin ang mga polisiya upang mas mapalakas ang tiwala ng publiko at pagtanggap sa batas. Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Director General Judith G. Tinio, PhD ang kahalagahan ng Moral Governance at respeto sa isa’t isa.

Sinabi naman ni Minister Melanio U. Ulama na, “Ang unification of all IPs in BARMM will ensure that the IRR will be implemented effectively and the aspirations of all IPs will be realized.”

Nagpahayag din ng suporta si Matthew Boyall, Second Secretary, Political ng Australian Embassy sa Pilipinas at sinabing, “The Draft IRR is a testament of hard work, unity, and cooperation of every right-holders and stakeholders who had have been actively participated in the series of consultations that had have conducted.”

Dagdag pa rito, si Dr. Selva Ramachandran, Resident Representative ng UNDP Philippines ay nagpahayag ng suporta sa prosesong pinangungunahan ng MIPA at TWG. Ayon sa kanya, “Lasting peace and sustainable development will only be possible when inclusive and rights-based processes are upheld for non-Moro IP communities, Moro and settlers who considered the Bangsamoro region as their home.”

Sa unang araw ng konsultasyon, ipinaliwanag ni Atty. Raymond Marvic C. Baguilat, MIPA Consultant, ang layunin at kabuuang konteksto ng pagtitipon. Matapos nito ay sinimulang basahin at ipresenta ni Atty. Jibriel S. Binasing ang draft IRR, kasama ang tulong ng iba pang MIPA staff na sina Caroline Love Magbanua, Benito R. Algan Jr., Rodolyn P. Andres, Harjen B. Gullon, Kevin Beligore, Michael Baraguir, at Eduard Abelardo (Staff ni MP Froilyn T. Mendoza).

Ipinagpatuloy ang presentasyon ng Draft IRR sa ikalawang araw, na sinundan ng open forum kung saan malayang nakapagbigay ng mga suhestiyon at komento ang mga kalahok.

Bilang susunod na hakbang, tiniyak ni Atty. Mona Diragen na lahat ng suhestiyon at rekomendasyon ay maingat na naitala at isasaalang-alang sa pagsasaayos ng IRR. Aniya, “After the consultation, there will be refinement of the Draft IRR,” at inihayag din ang inaasahang petsa ng pormal na paglagda at paglulunsad nito sa Hunyo 9, 2025 na sasabayan ng isang Kanduli.

Sa kanyang closing remarks, binigyang-diin ni Michael M. Garrigues, Director ng Bureau on Ancestral Domain, na ang layunin ng BIPA 2024 ay “to promote and protect the rights of the ICC’s/IPs in the BARMM.”

Ang konsultasyong ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibo at makataong pamamahala sa rehiyon ng Bangsamoro, lalo na sa kapakanan ng mga katutubong pamayanan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Government Assists Flood-Affected Families in Datu Anggal Midtimbang, MDS
Next post BDA Inc., CFSI Nagsagawa ng Lakbay Aral sa mga Kooperatiba sa Kampo ng MILF