Bulalo Sitio Lu-Eia Inaul Producers Cooperative, Binisita ang ang Silk Research and Innovation Center ng DOST-PTRI

(Litrato mula sa Tanggapan ni MP Atty. Suharto “Teng” Ambolodto)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Mayo, 2025) — Nagsagawa ng benchmarking activity ang Bulalo Sitio Lu-Eia Inaul Producers Cooperative sa Misamis Oriental, sa tulong at suporta ng tanggapan ni BTA interim Parliament Member Atty. Teng Ambolodto at ng Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT).

Binisita ng kooperatiba na mula sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, ang Silk Research and Innovation Center ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) sa Villanueva at ang Abai Weavers MultiPurpose Cooperative sa Laguindingan na layuning pag-aralan ang produksyon ng seda upang mapalakas ang lokal na industriya ng paghahabi ng inaul.

Sa DOST-PTRI, natutunan ng kooperatiba ang proseso ng paggawa ng tela mula sa Philippine Silk (Bombyx Mori) at ang paggamit ng teknolohiya sa paggawa ng sinulid at tela. Kabilang sa binisita ng koopeatiba ang Abai Weavers Cooperative upang makita ang aktuwal na operasyon ng isang matagumpay na kooperatiba sa paggawa ng produktong seda.

Sinabi ni Twinkle Dalgan, Chairman ng Bulalo Sitio Lu-Eia Inaul Products Cooperative, malaki ang maitutulong ng kanilang natutunan sa pagpapaunlad ng produksyon ng tradisyunal na inaul.

Ayon kay MP Ambolodto, ang aktibidad ay pagsuporta sa mga lokal na manghahabi sa Bangsamoro ng dawalang tanggapan at I naasahang magkakaroon ng positibong epekto sa kinabukasan ng industriya ng paghahabi ng inaul sa rehiyon. (PR, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bangsamoro Parliament Approves Bill to Upgrade Iranon District Hospital to 200-Bed Facility
Next post Gobernador Mastura, Pinalalakas ang Suporta sa PWDs